Pranking the Businessman
"Opo, si mama po kasi gusto niya gano'n kahaba ang name ko. Si mama po Kiana ang name, si Lola ay Sophia, tapos ang name po ng mama ni papa ay Ryle. Kay Mama Kiana, Lola Sophia, at Lola Ryle po galing ang buo kong pangalan. Tapos ang last name ko po siyempre galing kay papa at lolo ko kay papa.“ Ang daldal niyang bata.
“Si Lolo mo lang kay mama mo ang wala,“ nakangiti kong saad. Nakakagaan ng loob ang batang ito.
“Ang nickname ko po galing sa name ni lolo ko kay mama. ’Justine’ po ang nickname ko kasi ’Justine’ po ang name ng lolo ko, si Lolo Justine na papa ni mama.“
Grabe namang name at nickname iyon. “So, ano na ang itatawag ko sa'yo?” tanong ko sa kaniya habang hinahaplos ang buhok niya.
ตอนยอดนิยม