The Cold Billionaire's Ex-Wife
Imbes na matuwa ako sa pinapanuod ko, bigla akong na high blood, kaya imbes na mag enjoy ako sa panunuod nasira ang mood ko kasabay nang pag off ko nang telivision.
Sapagkat wala pa rin naman siya kaya, napa idlip ako sandali, dahil nararamdaman ko na naman ang pagsakit ng puson ko. Badtrip naman, mukhang magkakaroon pa yata ako. Bumangon ako saglit at kumuha ng hot compress at nilagay ito sa sa may bandang puson ko. Nag lagay na rin ako ng pad kong sakaling magkaroon nga ako at 'di na magka stain sa sofa. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko, dahil medyo gumagaan na rin ang pakiramdam ko paunti unti, dahil sa hot compress na ginamit ko.
ตอนยอดนิยม