Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
Sa murang edad ng pasyente, maliit at marupok ang mga ugat — isang maling galaw lang, isang maling tiklop lang ng clip, at maaaring magdulot iyon ng permanenteng pinsala o kamatayan.
“BP dropping, Doc! 70/40!” sigaw ng anesthesiologist.
“Suction! Faster. Give mannitol, 0.5g/kg. Keep him stable!” mabilis ang utos ni Veronica, ngunit hindi magulo. Alam niya ang bawat hakbang, bawat desisyon. Kita sa mga mata niya ang pagsasanay at karanasang hinubog ng limang taon ng walang tigil na pag-aaral at operasyon.