Accidentally inlove with you ( Tagalog Version)
Sagot ko pa, nag-iisip naman si mama na sa tingin ko ay inaalala kung sino ang tinutukoy ko hanggang sa magliwanag ang mukha nito, " Ah, kaibigan sila ng boyfriend mo."
" Boyfriend? May boyfriend ako?"
Ngumiti naman ito, " Oo anak, isang napakakisig at mapagmahal na kasintahan. Isa siya sa tatlong lalaking binanggit mo. "
Nagtataka naman ako sa sinasabi ni mama. Isa sa tatlong gwapong lalaki ang boyfriend ko. Pero sino sa kanila? Imposibleng yung may-ari ng Lugar dahil sabi nga ni mama, kaibigan siya ng boyfriend ko. Pero mas imposibleng yung nakakatakot na lalaki ito dahil tingin pa lang nito ay para na akong pinapatay.
ตอนยอดนิยม