KUNG AKO AY IIBIGIN MO
“Una, huwag mo na akong tatawaging Doña Amanda, bagkus, ang gusto kong itawag mo sa akin ay Mama Amanda, maliwanag ba? Pangalawa, gusto kong mag-ulam bukas ng ginataang puso ng saging. Isa sa mga paborito kong iulam kapag nasa Bicol ako. Marunong ka bang magluto noon?”
Sunod-sunod ang tango ni Aling Lora. Hindi dahil marunong din siyang magluto noon kun’di sa kasiyahang ‘Mama’ ang gusto ng donya na itawag niya rito. Anong sarap sa pakiramdam.
KINABUKASAN, sa gitna ng kasiyahan ng lahat, may isang panauhin na biglang dumating…
“R-risa…?” nasorpresang bigkas ni Helena nang lumapit sa kan’ya ang kaibigan at kababata ng asawa. “Mabuti at dumating ka. H-halika, kumain ka.”
Sikat na Kabanata