The Shadow and The Spotlight - CELESTIAL VOL 01
Sa loob ng tatlong segundo, sabay-sabay silang bumagsak sa sahig—hindi patay, kundi paralisado dahil sa tumpak na tama ng kanyang Nano-Steel Combat Blades sa kanilang mga nerve centers.
Pagpasok niya sa master's bedroom, eksaktong lumabas si Valeriano mula sa banyo na nakatapis lamang ng tuwalya. Nanlaki ang mga mata ng Heneral; nabitawan nito ang hawak na baso ng wiski. Nabagbag ang kanyang katapangan nang makita ang pigura sa kanyang harapan: isang babaeng balot ng itim na tactical suit, suot ang pamilyar na maskara, at may mga matang nagliliyab sa galit.
"H-Haven? P-pero... patay ka na!" utal ni Valeriano habang nanginginig ang mga tuhod.
인기 회차