THE BILLIONAIRE’S SUBSTITUTE BRIDE: HER ULTIMATE REVENGE
Halos lahat sila ay kusang lumingon.
Nakatayo si Franchesca sa ilalim ng madilaw na ilaw ng corridor, suot ang isang hapit na red halter dress na may hiwa na halos umabot na sa hita niya. Bagsak ang mahaba at medyo kulot niyang buhok sa kanyang balikat, perpekto ang make-up, at pulang-pula ang mga labi.
Sumandal siya sa doorframe, tamad na tinignan ang bawat tao sa loob ng private room, at sa huli ay tumitig kay Zachary habang may makahulugang ngiti sa mga labi.