Diary Ng XXX Celebrity
“Mama Mira, nakakahiya po. Kaya naman po naming gawin ‘yan ni Ravi.”
“Huwag ka nang tumanggi, gusto kong gawin ito, para maalagaan ko kayo ng apo ko,” sabi niya habang iniaabot ang tasa sa akin. “May dagdag akong honey d’yan para hindi ka masuka. Sabi kasi ng OB mo, kailangan mo ng extra calcium at iron.”
“Sus,” singit ni Ravi na nakangisi, “kapag may sakit ako, hindi mo ako inaalagaan ng ganiyan, pagdating kay Irina, grabe.”