Desired by the Billionaire
“It was supposed to be a joke lang talaga. Promise. As in prank lang!”
“Prank?” ulit ko, pigil ang tawa. “Agnes, limang daang milyon ang pinakawalan sa ‘prank’ mo.”
Napangiwi siya. “Exactly my point.”
Napailing ako at napabuntong-hininga. Tutal ay nasimulan na rin naman ang gulo, might as well enjoy the chaos habang hindi pa tuluyang sumasabog ang lahat.
“I’m still mad at you,” sabi ko, kahit wala na talaga sa tono ko ang totoong galit. “Pero nangyari na. Wala na rin naman tayong magagawa.”