Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
Romance
9.97.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Last Vampire Chronicles TAGALOG

The Last Vampire Chronicles TAGALOG

Ilang libong taon nang pinaghaharian ng angkan nina Timothy ang kaharian ng Zowol. Isang tagong mundo, kung saan mga naagnas na katawan ng mortal o kadalasan tawagin na zombie sa mundo ng mga tao. Sakop rin nila ang lahi ng mga lobo, kung saan sa pagdaan ng maraming henerasyon ay nagkaroon na ng pagkakabuklod at pagkakaisa sa bawat panig sa pagitan ng magkaibang lahi. Ngunit isang lahi ang hindi sang-ayon sa panukalang pag-isahin ang lahat. Ito ang mga lahi ng bampira, kung saan una silang napadpad sa mundo ng Acerria. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng mga Zowol at bampira na tumagal din ng ilang siglo. Sa labanan na naganap ay tuluyan nagapi at naubos ang mga lahi ng bampira. Pero iyon ang inaakala ng lahat, dahil may nag-iisang natira sa mga lahi nila. Si Kendra--- ang anak ng Hari ng mga bampira kay Aliyah, isang mortal na nakatakas bago maubos ng Zowol ang lahi ng bampira. Patuloy ang paghahanap sa nasabing huling bampira, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling walang pagkakakilanlan nito. Tanging ang pilat na kalmot sa likuran nito na ginawa ng hari ng mga lobo ang palatandaan dito. Sa pagdaan ng mga taon, tuluyang kinalimutan ang paghahanap dito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling hahanapin si Kendra. Dahil nakasalalay sa huling dugo ng bampira ang kaligtasan ng mundong kanilang ginagalawan na nangnganib mawasak sa hinaharap...
Other
1020.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Falling for the Replacement Mistress

Falling for the Replacement Mistress

Hindi inaasahan ni Reiko Cordova na mapapasubo siya sa isang trabaho na hindi niya inaplayan. Ngunit dahil sa kagagawan ng nakakatanda na kapatid at walang iba na pagpipilian, kinailangan niya na pumalit dito bilang isang "kabit" ng guwapo at masungit na piloto na si Kenji Jarvis. Hindi inaasahan ni Kenji Jarvis na mapapasubo siya sa pag-aalok ng isang trabaho sa isang babae upang masiguro na hindi siya iiwan ng kan'yang asawa na nahuhumaling sa matalik na kaibigan nito. Umupa si Kenji ng babae na magpapanggap bilang kan'yang kabit para pagselosin ang asawa na nagloloko. Ngunit sa hindi inaasahan ay tinakbuhan siya ng naturang babae dala-dala ang pera na naibayad na niya. Kaya wala silang nagawa ng kan'yang kaibigan kung hindi ang takutin at ipaako ang trabaho sa naiwan na kapatid ng babae upang siya ang pumalit at magpanggap na kabit niya. Ang pagpapanggap ay mauuwi sa katotohanan nang isang gabi ay makalimot si Kenji sa kontrata. Ang babae na itinuturing lamang niya na isang pamalit sa kasunduan ay magkakaroon nang mas malalim na ugnayan at halaga sa kan'ya. Papayag ba si Reiko na habang-buhay na lamang siya na maging "replacement mistress" sa buhay ni Kenji, lalo na at alam niya kung gaano kamahal ng lalaki ang asawa nito? O gagawin niya ang tama at kusa na lamang na lalayo sa lalaki na natutunan na niya na mahalin?
Romance
1031.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Sold to the Billionaire Heir

Sold to the Billionaire Heir

Lumaki si Calista Althea Chiu sa isang makapangyarihan ngunit istriktong Chinese family—kung saan ang tradisyon ay batas at ang babae ay kailangang sumunod, kahit masaktan. Mayaman ang pamilyang kinalakihan niya, ngunit sa likod ng karangyaan, isa siyang bihag ng sariling kapalaran. Sa tatlong magkakapatid, siya ang nag-iisang babae at middle child—tahimik, masunurin, at laging isinasantabi ang sariling damdamin. Ngunit isang gabi, tuluyang nagbago ang lahat. Dahil sa desperadong pangangailangan ng pera ng kanyang kuya at sa malaking pagkakautang ng kanilang pamilya sa makapangyarihang Wang family, isang lihim na kasunduan ang isinagawa. Isang desisyong hindi niya kailanman pinili. Ibinenta si Calista bilang isang “regalo” sa kaarawan ng lalaking minsan na niyang nakita sa Shanghai—ang malamig at misteryosong billionaire heir ng Monaco, si Marcus Romanov. Para kay Marcus, ang lahat ay transaksyon. Ngunit kahit pilitin niyang limutin, hindi niya maalis sa isip ang gabing pinagsaluhan nila. Para kay Calista, iyon ang gabing ninakaw ang kanyang kinabukasan. Hindi nila namamalayan, unti-unti silang nahuhulog sa isa’t isa—isang damdaming isinilang sa gitna ng kapangyarihan, katahimikan, at mga lihim na pilit itinatago. Ngunit may isang lalaking hindi handang bumitaw. Si Lixin Wang, ang mayamang Chinese heir at lalaking itinakdang pakasalan si Calista, ay handang ipaglaban ang paniniwalang pag-aari niya ito—kahit sa pamamagitan ng takot at kapangyarihan. Sa pagitan ng tradisyon at pag-ibig, obligasyon at kalayaan, kailangang pumili ni Calista: manatiling babaeng isinuko ng pamilya, o labanan ang kapalarang ipinataw sa kanya—kahit pa kapalit nito ang kanyang puso.
Romance
182 viewsOngoing
Read
Add to library
The Second Mrs. Guillermo

The Second Mrs. Guillermo

Thale01
Si Elysse Dela Serna ay pangalawa at bunso sa magkapatid. Subalit sa kanilang magkapatid ni Elizabeth ay mas siya ang matured at umaaktong nakatatanda. Matiyaga siya sa lahat ng pangarap at gusto niya sa buhay. Mahal na mahal niya ang kapatid dahil sila na lamang dalawa ang magkasama mula nang mamatay sa isang car accident ang kanilang mga magulang. Upang malaman ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang kapatid ay hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng dating asawa ng nakatatandang kapatid at maikasal din dito. Doon niya natuklasan ang lahat ng katotohan pati na ang toong ugali ng ina ng kanyang asawa. Upang makuha ang hustisya para sa kapatid ay walang takot na hinarap ni Elysse ang lahat ng panganib. Kahit lalong lumalalim ang kanyang pagmamahal kay Carson ay itinuloy pa rin niyang kalabanin ang ina nito. Ngunit, hindi naman niya inaasahang buhay pa pala ang kanyang kapatid at ngayon ay malaki ang galit sa kanya dahil sa pag-aakalang tinaraydor niya ito. Si Celestine na kanyang biyenan din ang pilit na sumisira sa kanilang kapatid. Upang magkaayos silang magkapatid ay ginawa niya ang lahat upang mailabas ang katotoohanan sa mga kasamaan ni Celestine Sa huli ay nakamit din nina Elysse at Elizabeth ang hustisya. Sila naman ni Carson ay nauwi rin sa pagiging masayang pamilya dahil bawat isa ay nagkapatawaran na. Inamin din nitong totoong pag-ibig ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya sa kabila ng mga nangyari sa kanilang trahedya.
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Story of Us (Tagalog)

The Story of Us (Tagalog)

Sky Isabelle Honralez Bustamante, a beautiful and intelligent heiress. She is every woman’s envy. But behind that glamorous exterior is a very lonely princess who lived her life just to please her father. She even gave up her own dreams para lang makuha ang attention nito. And then one day, she fell from grace, hard. But Sky had enough. She got fed up fighting and decided to run away. With no destination in mind, she packed her bags and left everything behind. Miguel dela Cruz: komikero, matikas, at higit sa lahat, ubod nang gwapo. Actually, he could pass as a Calvin Klein/Armani model. Idagdag na rin natin na pang toothpaste commercial pa ang ngiti nito. Ang isang kagaya nito ay nababagay sa mga cover magazines at runway fashion shows. May mga pa-english-english pa kuno itong nalalaman. Ngunit sa likod nang magagandang katangiang tinataglay nito nagtatago ang misteryong bumabalot sa buo nitong pagkatao. The beautiful heiress and the handsome country bumpkin. One is trying to run away from her past while the other is being chased by his future. These two are in for a serious turmoil of emotions. Sky is trying to keep her distance. She builds up walls around her dahil alam niyang masasaktan lang siya and she doesn’t know if she can handle it. And Miguel, the man who’s a push and pull, but is always there to catch her when she feels like she’s falling. They are like magnets being drawn together, hanggang sa wala na silang takas. But just when everything is about to fall into place perfectly, saka naman sila naisipang paglaruan nang tadhana. Their past and future caught up to them at sa isang iglap nagbago ang lahat. Mahanap pa kaya nila ang daan pabalik sa isa’t isa?
Romance
1042.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Don't Fall in Love

Don't Fall in Love

Yuki Yceej
Sa gabi ng tinatawag nilang Bluemoon night, ang gabi ng mga single, ay magtatagpo ang landas nina Hunter Ace, isang sikat na modelo at artista at Jolie Vargas na isa lamang ordinaryong babae. Hinahangaan ang binata dahil sa kanyang gwapong mukha, magaling na actor at ganda ng pangangatawan habang si Jolie ay simpleng babae pero palaban. Isang gabi, dahil sa kabiguan sa pag-ibig ay pumayag si Hunter na sumama sa kaibigang si Tom na dumalo sa once a year event na tinatawag nilang Bluemoon night. Ito ang gabi na mapagkakamalan ni Hunter ang No Boyfriend since birth (NBSB) na si Jolie na siya si Danica, ang girlfriend niya. Walang pag-aalinlangan, dinampi ng binata ang labi niya sa labi ng lasing na si Jolie. Dahil sa wala sa tamang katinuan ang dalaga, tumugon naman siya sa halik. Pinagsaluhan nila ang maiinit na halik sa ilalim ng liwanag ng buwan. Hindi lang halik ang kanilang pinagsaluhan, pati ang init ng katawan ay kanilang pinadama. Isang bangongot ang maituturing ni Jolie ang nangyari sa kanya sa gabing iyon nang magising siyang katabi ang mayabang at supladong modelo sa kama at pareho silang walang saplot. Hindi na niya ito ginising bagkos ay umalis na agad sa silid. Magtatagpo pa kaya ang landas nila kung ang akala ni Hunter ay si Danica ang babaeng nakasama niya sa kama? May mabubuo kayang pagtitinginan kina Hunter at Jolie kung ang dalawang babae ay may mukhang pinagbiyak na bunga?
Romance
934 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Boy Best Friend

My Billionaire Boy Best Friend

Isang masayahin at palakaibigan na dalaga si Bella. Matalik niyang kaibigan na lalaki si Vin simula pagkabata. Magkapitbahay lamang sila at madalas na magkasundo sa lahat ng bagay. Naging magkaklase sila ni Vin simula elementarya hanggang high school. Sobrang close nila sa isa't isa kaya madalas silang magkasama. Ngunit pagdating ng college ay kinailangang umalis ni Vin upang mag-aral sa ibang bansa. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Bella na nagmula si Vin sa mayamang pamilya kaya hindi na sya nagtaka nung kinailangang umalis ni Vin upang mag-aral sa ibang bansa. Lumipas pa ang mga taon ay bumalik na si Vin sa Pilipinas at nalaman eto ni Bella. Nang magkrus ang kanilang landas ay nagtaka si Bella kung bakit parang iba ang pakikitungo ni Vin sa kanya at madalas ay iniiwasan pa nga siya. Doon na nalaman ni Bella na may nararamdaman na pala si Vin sa kanya. Higit pa sa matalik na magkaibigan. Sobra ang tuwang nadama ni Bella dahil napagtanto nyang mahal na rin nya ang binata. Ngunit isang araw ay napalitan ng lungkot ang saya na nadarama ni Bella nang makita nya si Vin na may kasamang ibang babae, si Nicole, at napag-alaman nyang ikakasal na ang mga eto. Labis na nasaktan si Bella. Akala nya kasi ay si Vin na ang nakalaan para sa kanya pero may ibang plano pala ang tadhana para sa kanila. Magagawa pa kayang ipaglaban ni Bella ang pagmamahal nya kay Vin? O hahayaan na lamang nya etong magpakasal sa ibang babae.
Romance
9.341.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Neglected Wife

The Billionaire's Neglected Wife

Isang babaeng pinagpala. 'Yan ang tingin kay Chynna ng mga taong nakapaligid sa kanya nang pakasalan niya si Geoff Montecarlo. Para sa kanila, kainggit-inggit ang pagkakaroon ng asawang bukod sa mayaman na ay ubod pa ng gwapo. Total package 'ika nga! Madalas na biro tuloy sa kanya, nang magpaulan daw siguro ng pagpapala ang Diyos ay malamang nasalo niya ang lahat ng iyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi na masaya si Chynna sa piling ng asawa. Sa loob kasi ng halos isang taon nilang pagsasama, madalang pa sa  patak ng ulan kung siya ay bigyan ng atensyon nito. Dahil doon ay nagsimula siyang magkaroon ng depresyon at insekyuridad. Sa kanyang pangungulila sa pagmamahal ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa loob ng isang gaybar, ang Narcissus. Doon niya nakilala si Bryle. Isa itong macho dancer at siyang naging tagapag-aliw niya ng gabing iyon. Sa palagian nilang pagkikita ng lalaki ay unti-unti silang nagkahulugan ng loob nito. Dito niya natagpuan ang pagkalinga na siyang ipinagdadamot sa kanya ng asawa. Dahil doon ay naisip niyang iwanan na lang si Geoff at tuluyan nang sumama kay Bryle. Ngunit sadya nga talagang mapagbiro ang tadhana... Sa hindi inaasahang pagkakataon, natuklasan niyang magkakilala pala ang dalawa nang makita niyang magkasama ang mga ito. Ano kaya ang ugnayan ng mga ito sa isa't isa? At sa labis na pagtataka ni Chynna, bakit kaya umiiyak na nakaluhod si Geoff sa harapan ni Bryle?
Romance
393 viewsOngoing
Read
Add to library
Fix Marriage with my Online Date

Fix Marriage with my Online Date

Si Ariah "Aya" Gallano ay dalawampu't dalawang taong gulang, iskolar ng kanilang bayan, at tumatayong magulang para sa kaniyang nag-iisang kapatid. Musmos pa lamang ay namulat na siya sa hagupit ng buhay dahil sa mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan. Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at higit na nahubok ang pagiging madiskarte. Subalit, dahil sa karamdaman ng kaniyang kapatid, kinailangan niyang makahanap ng mabilisang salapi. Siya ay napadpad sa dating application na "We Chat & Date", para humanap ng matandang lalaki na naghahanap ng kasintahan, o sugar daddy kung tawagin. Labag ito sa kaniyang kalooban, subalit kailangan niya ng mabilisang pera para sa pagpapagamot ng kapatid kaya naman isinantabi niya ang sariling prinsipyo para rito. Dito niya nakilala si Theodore Morgan, ang acting CEO ng Morgan Group, dalawampu't pitong taong gulang at ang pinaka batang business tycoon sa Pilipinas. Si Theodore ay napadpad sa dating application sa pag-asang makakahanap ng babaeng papakasalanan lamang bilang tugon sa hiling ng kaniyang lola, ang tanging tao na kumalinga sa kaniya noong mamatay ang mga magulang sa aksidente. Parehong may mithiin na nais makamit, parehong nais isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa minamahal sa buhay. Ngunit parehong ayaw mahulog kanino man. Naniniwala silang walang puwang ang pag-ibig sa tulad nilang abala sa sarili at pangarap na nais makamit. Ano kaya ang kapalarang naghihintay para sa dalawang taong nais lang pumasok sa kasal para sa sariling motibo? Sa laro ng kasal-kasalanan, sino ang magiging taya? Kapag tadhana na ang nagpasya, mapipigilan mo ba ito?
Romance
10607 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status