Under My Father In-Law's Touch
Panigurado kasi, kapag umuwi akong motor lang ang dala at iniwan ko ang Audi ko kung saan-saan, makakatanggap ako ng isang matinding sermon o baka physical training kay Kuya Zaitan.
"O, pre! Buhay ka pa pala!" bungad sa akin ni Justine pagkabukas niya ng pinto ng apartment niya, hawak-hawak pa ’yung controller ng PS5. "Akala ko tuluyan ka nang ginawang pulutan nung si Ventura, eh."
Inihagis ko sa kaniya ’yung helmet sabay upo sa tapat ng sofa niya. "Gago, hindi naman. Maayos ang biyahe."