Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Single Mom

Single Mom

Si **Luna Reyes** ay isang 18-anyos na estudyante sa kolehiyo mula sa probinsya na nabuntis ng **Alexander "Alex" Montemayor**, anak ng isang bilyonaryo. Nang malaman ng ama ni Alex, si **Ricardo Montemayor**, ang pagbubuntis, inalok niya si Luna ng malaking halaga ng pera kapalit ng paglayo sa buhay ni Alex. Dahil sa takot sa kapangyarihan ni Ricardo, pumayag si Luna at lumipat sa Maynila upang buhayin ang kanyang anak na si **Mateo**. Pagkalipas ng labing-dalawang taon, namatay si Ricardo at sa pagbabasa ng testamento, lumabas ang isang probisyon na ang yaman ng Montemayor ay mapupunta lamang sa anak o apo. Nagkaroon ng duda si Alex tungkol sa pagkakaroon ng anak niya kay Luna. Kasama ang pulis na kaibigan, si **Miguel Santiago**, sinimulan niyang imbestigahan ang nakaraan. Nagkita muli sina Alex at Luna sa isang event, at sa kanilang pag-uusap, inamin ni Luna na si Mateo ang kanilang anak. Habang lumalapit si Alex kay Mateo, naging mapanganib ang sitwasyon dahil kay **Sofia Aguilar**, ang magiging asawa ni Alex na hindi makapagkaanak at nagpasya na patayin si Mateo upang mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa pamilya Montemayor. Nakipag-ugnayan si Luna kay Miguel upang mapanatili ang kaligtasan ni Mateo. Nang maganap ang mga insidente ng pag-atake kay Mateo, nahuli si Sofia at ang kanyang kasabwat, si **Carmen Morales**. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagkaroon ng pagkakataon sina Luna at Alex na magbuo muli ng kanilang pamilya. Ang nobela ay nagwakas sa isang simpleng kasal na puno ng pagmamahal at pag-asa, na simbolo ng bagong simula para sa kanilang pamilya.
6.9K viewsCompletedAdded to Library 178 Times as kainan ng ari
Read
+Library
Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle

Trapped to my Ex-Boyfriend's Possessive Billionaire Uncle

Nauwi sa isang gabing pagkalimot ang dapat sana'y pagpapalipas lamang ng sama ng loob ni Margaux dahil sa sakit na dulot ng kanyang kasintahan. Ngunit ano ang gagawin niya kung malalaman niyang ang lalaki pa lang nakakuha ng kanyang iniingatang pagkabirhen ay uncle pala ng kasintahan?
1047.1K viewsCompletedAdded to Library 1.7K Times as kainan ng ari
Show Reviews (17)
Read
+Library
Erichine
ano kayang moves ang gagawin ni draco para masolve ang problem niya kay margaux ng mabilis? pagsasabihan ba niya si chiara na hindi hindi tama ma boyfriend ito ay umaaligid siya sa ibang lalaki at hindi manlamg nagrereact pag sinasabing gf sia nito in public ng ibang tao.napa unbecoming naman talaga
Chix
Magtatumling talaga ako pag inupload ni miss a today and chapter 88! Kabahan ka na Draco! Mukhang maski kinilig si Sigar sa revelation mo eh hindi siya Convinced kasi sa same babae eh twice kwng nag Lie sa kanya. Na eestablish na sa kania ang pagigibg Liar mo
Read All Reviews
Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Nakatakdang magpakasal si Derrek Lucero sa anak ng amiga ng kanyang ina. Naisagawa ang kasunduan bago pa man pumanaw ang ina niyang may taning ang buhay. Halos tatlong taon na namuhay si Derrek at nagpakasaya at iniwasan ang tungkol dito.Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makilala ang babae na kinamatayan na ng ina. Tanging si Attorney Luciano lamang ang nakakakilala. Hanggang isang araw ay nag asawa muli ang kanyang ama na walang ibsa kundi ang malanding sekretarya nito. Natuwa si Derrek ng sabihin ng ama na hindi na isasagawa ang kasal sa kaibigan ng kanyang ina pero ang sinabi ng ama na itutuloy pa rin ang kasal ngunit hindi sa babaeng itinakda ng kanyang ina kundi sa anak ng kanyang madrasta niya sa unang asawa nito na si Lilibeth. Nilukod ng poot ang puso ni Derrek dahil ang ama niya ay naging sunod sunuran na lamang sa bagong asawa. Samantala si Monigue naman ay halos nakalimutan na ang bagay na ibinulong sa kanya ng kanyang ina bago ito nalagutan ng hininga sa ICU. Dahil nangiisang anak ay pinasan ni Monique an responsabilidad.Hirap man sa araw araw, ang tangi niyang dasal na lamang ni Monique ay ang makaahon sa kahirapan kahit sa anu pa mang paraan.
10886 viewsOngoingAdded to Library 34 Times as kainan ng ari
Read
+Library
Collateral To The Ruthless Billionaire

Collateral To The Ruthless Billionaire

Ang kanyang pamilya ang gusto niyang makuha. Ang kanyang kalayaan ang hiniling niyang kapalit. Itinayo ni Irish Wei ang kanyang pangalan bilang ang pinakakinikilalang art curator sa lungsod—isang babaeng may dangal sa mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan ng mga dinastiyang negosyante. Ngunit nang gumuho ang imperyo ng kanyang pamilya dahil sa utang at pagkakanulo, siya ang naging huling collateral na gustong angkinin ng isang walang awang bilyonaryo. Hindi naghari si Kendrick Reyes sa pamamagitan ng pagiging mabait. Matagal nang hinintay ng negosyanteng ito ang pagbagsak ng pamilya Wei. Subalit nang makaharap niya si Irish—mayabang, matapang, handang ipagpalit ang sarili para sa kaligtasan ng kanyang pamilya—binago niya ang kasunduan. Isang taon. Ang kanyang buhay, kanyang pagsunod, ang kanyang lubos na pagpapasakop. Kapalit nito, ang kanyang ama ay makalalaya at mananatiling buo ang kanilang pangalan. Maninirahan siya sa mundo ng mga nakakulong na penthouse sa Gangnam, dadalo sa mga eksklusibong gala, at magiging tropeo sa harap ng mga piling tao ng lungsod. Nakakulong sa isang ginintuang hawla, inaasahan ni Irish ang kalupitan. Ang hindi niya inaasahan ay ang lalaking puno ng kontradiksyon—isa na magbabantay sa kanya nang may bangis na magpapalabo sa linya ng kanyang pagkabihag at pagiging protektado. Ngunit ang imperyo ni Kendrick ay itinayo sa mga lihim, at ang katotohanang taglay ni Irish ay maaaring siyang tanging bagay na hindi kayang kontrolin ng kanyang kapangyarihan. Sa larong puno ng yaman at pagnanasa, ang pinakamapanganib na pusta ay hindi ang pagkawala ng kanyang kalayaan. Ito ay ang pagkawala ng kanyang puso sa lalaking nagnakaw nito.
308 viewsCompletedAdded to Library 9 Times as kainan ng ari
Read
+Library
The Accidental Wedding

The Accidental Wedding

Dahil sa maagang pagpapagawa ng last will and testament ng Daddy niya, hindi tuloy alam ni Autheia ano ang gagawin. Wala siyang nobyo paano niya mabibigay ang hiling ng Daddy niya na bigyan ito ng apo. Dahil hindi niya makukuha ang mana nilang magkakapatid hangga't hindi nila mabibigyan ng apo ang Daddy nila. Hindi lang apo, kailangan ay maikasal sila. Sa kaso ni Autheia wala pa sa isip niya ang mga bagay na iyon. Hindi pa niya natutupad ang pangarap niyang makapagpatayo ng sariling negosyo. Isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya, nang dumalo sila sa kasal ng pinsan ng kaibigan niyang si Qiana. Hindi sinipot ng bride ang groom na pinsan ni Qiana. At sa hindi inaasahan ay magkakilala pala ang Daddy ni Khrysaor at Daddy niya. Kaya naman humandong ang mga ito sa isang desisyon na ipakasal ang mga anak nila. Hindi lang para sa negosyo kundi parehong gusto ng mga magulang nila na magkaroon na ng apo. Mapapayag kaya si Autheia sa desisyon ng Daddy niya, o susuwayin niya ang gusto neto. Kilala niya ang lalaki pero isang beses lang niya nakausap ito noon, noong nag-aaral pa lang sila hindi niya alam ano ang ugali neto. Mas lalong nabahala siya sa dahilang iniwan ito ng bride niya sa mismong kasal neto. Baka may mas malalim itong dahilan. Matutuloy kaya ang planong kasal sa kanila o tatakasan niya na lang ito gaya ng ginawa ng dating bride ni Khrysaor.
1.5K viewsOngoingAdded to Library 60 Times as kainan ng ari
Read
+Library
Chased by the Billionaires

Chased by the Billionaires

"Isusuko ko ang lahat para bumalik sa panahong ako pa rin ang mahal mo. Pero kung hindi man aabot sa puntong iyon, ilalaan ko ang buong buhay ko sa paghihintay sa iyo. Baka sakaling paggising ko... ako na ulit ang pipiliin mo." Kimberly Ann Dimagiba, ang babaeng martyr at alipin ng pag-ibig. Mula High School hanggang sa pagiging office employee, siya ang taga-gawa ng projects, taga-ayos ng reports, at tagasalo ng mga kalokohan ng best friend niyang si Jixxer. Ang mayamang playboy at tagapagmana ng kumpanya ng pamilya niya. Sanay si Kim na maging dakilang alila, basta ba manatili siya sa tabi nito. Ngunit nagbago ang ikot ng mundo nang dumating si Dylan. Si Dylan ang misteryosong officemate nila. Masungit, tahimik, at kuripot, pero nakasuot ng relong nagkakahalaga ng milyon-milyon. Higit sa lahat, siya lang ang lalaking palaging sumasagip kay Kim sa tuwing madadawit ito sa anumang klase ng kapahamakan. Dahil sa tindi ng desperasyon ni Kim na mapansin ng kaniyang best friend, tatanggapin niya ang isang kaduda-dudang alok mula kay Dylan. Ang magpanggap bilang girlfriend nito para pagselosin si Jixxer. At para makawala ang binata sa gapos ng kanyang mga magulang. Ang akala ni Kim, ito na ang solusyon para makuha ang lalaking pangarap niya. Ang hindi niya alam, pinasok niya ang isang laro kung saan hindi lang ang puso niya ang nakataya. Kundi pati na ang mga lihim ng mga bilyonaryong unti-unti nang nahuhumaling sa kaniya. Sa laro ng tagu-taguan, sino ang unang bibigay... at sino ang tuluyang maiiwang umaasa?
10312 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as kainan ng ari
Read
+Library
Claim Me Harder, Mr. Playboy

Claim Me Harder, Mr. Playboy

Madalas sabihin ng marami na ang mga anak ang nagsisilbing angkla ng buhay ng isang ina. Para kay Catriona Lavender Carias, tumimo sa puso ang paniniwalang iyon mula sa sandaling mapag-isipan niya ito—hanggang sa subukin ng panahon ang kanyang tibay at paninindigan. Dumating ang sandaling kinailangan niya ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kanyang ina. Dahil sa matinding desperasyon, napilitan siyang pasukin ang mundong hindi niya kailanman inakalang kakapitan—ang Dream Fortress, isang lihim na bahay-aliwan kung saan ang mga lalaking may matataas na pangalan sa lipunan ay nagbabayad kapalit ng panandaliang aliw. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, ang serbisyong minsan niyang ibinigay sa isang estrangherong naging nag-iisa niyang kliyente ay nagbunga ng isang alaala na hindi mabubura ng panahon—isang anak. Pagkalipas ng isang taon, muling pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga landas. Si Trever de Gracia, ang dating kliyente at ang tunay na ama ng kanyang anak, ay muling pumasok sa kanyang buhay—ngunit hindi siya nakilala nito. Sa halip, inalok siya ni Trever ng isang kakaibang trabaho: magpanggap bilang kanyang kasintahan, at ang kanyang anak bilang sariling dugo, upang pagselosan ang dating kasintahan nito. Ano ang mararamdaman ni Trever kapag nalaman niyang ang batang inaakala niyang bahagi lamang ng isang palabas ay tunay niyang anak? At paano niya haharapin ang katotohanang ang babaeng inupahan niya noon ay ang inang minahal at isinakripisyo ang lahat para sa kanilang anak?
402 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as kainan ng ari
Read
+Library
One Hot Night with the CEO

One Hot Night with the CEO

Isang gabing hindi dapat nangyari ang naging simula ng lahat. Sa gitna ng kalituhan at isang insidenteng kinasangkutan ng droga, napadpad ang isang simpleng babae sa bisig ng pinakabatang CEO sa bansa—si Sebastian Cross. Isang gabi ng lambing at pagkakamaling hindi nila lubos na naunawaan, at kinaumagahan, naglaho siya na parang panaginip. Nang matuklasan niyang buntis siya, pinili niyang tumakas kaysa harapin ang isang mundong siguradong dudurog sa kanya. Iniwan niya ang lungsod, ang nakaraan, at ang lalaking hindi niya akalaing magiging ama ng kanyang anak. Sa isang tahimik na probinsya, isinilang ang kanyang anak at doon niya piniling buuin ang buhay nilang dalawa—mag-isa, tahimik, ngunit puno ng pagmamahal. Samantala, si Sebastian ay nilalamon ng konsensya at mga tanong na hindi niya masagot. Sa kabila ng tagumpay at kapangyarihan, may bahagi ng kanyang buhay na patuloy na kulang—ang babaeng nawala at ang posibleng anak na hindi niya kailanman nakilala. Muling magtatagpo ang kanilang landas sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Habang unti-unting nabubunyag ang katotohanan, kakayanin ba ng pagmamahal ang bigat ng mga sugat, lihim, at takot? O huli na ang lahat para sa isang pamilyang isinilang mula sa isang gabing dapat sana’y nakalimutan?
10580 viewsOngoingAdded to Library 20 Times as kainan ng ari
Read
+Library
TEMPTED BY THE BILLIONAIRE'S SPOTLIGHT

TEMPTED BY THE BILLIONAIRE'S SPOTLIGHT

Paano kung ang kaligtasan ng iyong pamilya ay nakasalalay sa isang kasunduang hindi mo kailanman ginusto? Si Luna Evangeline DeLacroix, ay isang simpleng babae na baon sa utang at desperadong maghanap ng paraan upang mailigtas ang kanyang pamilya na nabaon sa utang. Isa siyang magaling na mananayaw ngunit hindi siya sikat, iilan lamang ang nakaka kilala sa kanya bilang isang magaling na mananayaw. Sa gitna ng kanyang kawalan ng pag-asa, dumating ang isang alok mula sa isang lalaking hindi niya inaasahang magiging bahagi ng kanyang buhay—isang bilyonaryong aktor at mang-aawit na laging nasa ilalim ng Isang kontrata. Isang pangalan sa kanyang tabi. Isang buhay sa harap ng mga camera. Ngunit paano kung ang mundong pinasok niya para sa pera ay maging kulungan ng kanyang puso? Paano kung ang pekeng pagmamahal na itinanghal sa harap ng publiko ay maging totoo sa likod ng mga ilaw? At paano kung ang spotlight na minsang kinatakutan niya ang siya ring maging dahilan ng pinakamalaking sakit sa kanyang buhay? Sa isang mundong puno ng kasikatan, tsismis, at kapangyarihan ng pera— hanggang saan niya kayang isakripisyo ang sarili para sa mga taong mahal niya? At kapag dumating ang panahong kailangan niyang pumili…..... pera ba o pagmamahal? kalayaan ba o ang lalaking nasa ilalim ng spotlight? She was tempted not by love… but by the price he offered for her freedom.
357 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as kainan ng ari
Read
+Library
Reborn for Vengeance

Reborn for Vengeance

Si Amanda Hale ay minsang naging biktima ng pang-aabuso, pagtataksil at kamatayan sa kamay ng mga taong pinakamalapit at tinuring niyang pamilya. Ngunit nang muling bigyan ng pagkakataon upang mabuhay dala niya ang lahat ng sugat at galit mula sa nakaraan. Sa ikalawang buhay na ito siya ba’y matututong magmahal muli o tuluyan na siyang lalamunin ng apoy ng paghihiganti?
753 viewsOngoingAdded to Library 25 Times as kainan ng ari
Read
+Library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status