Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)

Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)

Rated SPG Thea Reyes' common-law husband cheated on her, nahuli niya sa aktong hubo't-hubad at magkapatong ang kanyang partner at matalik na kaibigan sa ibabaw ng kama sa kanilang kuwarto kaya't walang pag-aatubili itong lumayas mula sa kanilang bahay at naghanap ng maupahang apartment para doon muna mamalagi habang hinihintay ang tawag mula sa ina-applyan niyang trabaho. Mahigit isang buwan na ang lumipas ng umalis siya sa kanilang bahay ngunit hindi siya hinanap ng kanyang partner. Naisipan niyang pumunta ng club para libangin ang sarili, gusto na niyang makalimutan ang sakit na ibinigay ng kanyang asawa at ng inakala niyang mabuting kaibigan. She went to the club and accidentally encounter a handsome stranger and had a one-night stand with him. Kinabukasan ay tinawagan na ito sa kanyang ina-applyang trabaho bilang katulong sa mansyon. Nabigla nalang si Thea ng malaman niya na ang naka one-night stand niya ay anak pala ng magiging boss niya. Ano pa kaya ang mangyayari sa mga susunod na kabanata ng storya nila? Paninindigan kaya nila ang kanilang na simulan? Paano kung hindi sasang-ayon ang Ina nito? Maisasakatuparan pa kaya ang mga pangako?
Romance
8.1K viewsOngoing
Read
Add to library
THE DAUGHTER OF THE MAFIA LORD

THE DAUGHTER OF THE MAFIA LORD

SCARLET
Si Aquene ay isang babae na matalino, masipag, at mabait kahit na ilang taon na syang hindi nakakalabas ng bodega ay mayroon s'yang nalalaman sa labas ngunit sa hindi inaasahan nasunog ang bahay na kung saan siya naninirahan kaya humanap sya ng paraan upang makalabas sa bodega na iyun at ng nakalabas na s'ya mayroong namang baril na nakatutok sa kan'yang ulo. Matatakasan kaya ni Aquene ang buhay niya sa piligro?
Romance
859 viewsOngoing
Read
Add to library
Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)

Maid For The Mafia Boss (Cosa El Gamma 2)

Rated 18 Read at your own risk Walang ibang nais si Monica kundi ang makaahon sa hirap at buhayin ang kaniyang isang anak na lalaki, na bunga ng one-night stand sa isang estranghero. Kahit anong trabaho pinapasok niya maging ito ay kapit sa patalim. Pinatos niya ang trabaho bilang ispiya ng mafia organization. Subalit sinubok ang kaniyang prinsipyo nang makilala si Federico Sartorre, ang mafia boss na unang target na ibinigay ng kaniyang amo. Si Federico ay isa sa miyembro ng pinakamalaking mafia organization, ang Cosa El Gamma. Bukod sa pamilyar ito sa kaniya at hawig ng kaniyang anak, nakitaan niya ito ng tattoo na katulad sa lalaking nakaniig niya noon sa isang bar sa Japan. Habang nasa puder siya ni Federico bilang maid, hindi lamang trabaho ang kaniyang pakay, kundi ang tuklasin ang misteryo sa pagkatao nito. Ngunit mabilis nahulog ang puso niya sa binata at nag-assume na ito ang ama ng kaniyang anak. Paano kung si Federico nga ang tatay ng kaniyang anak? Susuwayin ba niya ang misyon at piliin ang sigaw ng puso?
Romance
1025.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Alipin Ng Tukso

Alipin Ng Tukso

Tumakas si Khaliyah Dadonza sa mansyon nila nang madinig niya sa papa niya na ipapakasal siya sa pangit na anak ng isang Mafia boss bilang bayad sa malaking utang niya rito. Kaya naman, agad-agad ay pumunta si Khaliyah sa probinsya, sa bahay ng kaibigang niyang si Moreya. Pero imbis na ang kaibigan niya ang madatnaan doon ay ang hot tito ni Moreya ang nakita niya. Ito na pala ang nakatira doon dahil nasa ibang bansa na ang kaibigan niya. Wala na siyang ibang mapupuntahan dahil nag-iisa lang si Moreya sa totoong kaibigan niya, kaya naman nakiusap siya sa Tito Larkin ni Moreya na doon muna siya magtatago at mag-stay, pero kapalit nito ay isang kasunduang magiging alipin siya sa bahay ni Tito Larkin Colmenares. Alipin ng isang hot tito na type na type niya ang katawan at mukha. Dahil sa sobra-sobrang pagmamakaawa ni Khaliyah, nagkaroon sila ng contract na ginawa ni Tito Larkin. Magiging mag-asawa sila habang doon nagtatago si Khaliyah. Pinakasalan siya ni Tito Larkin para hindi siya makasuhan ng kidnapping. Magiging mag-asawa lang sila dahil sa papel, pero sa loob ng bahay, alipin lang talaga siya ni Tito Arkin. Ayos lang kay Khaliyah ang maging alipin, lalo na’t isang Hot Tito ang paglilingkuran niya. Kaysa magbuhay princessa at magpakasal siya sa isang mayamang anak na mafia boss pero sobrang sama naman ng itsura ng mukha. Akala niya’y madali lang ang lahat ng ginagawa niya roon, magluto, maglinis, maglaba at sumunod sa mga utos nito Tito Larkin. Pero paano kung mas mahirap palang labanan ang tukso? Sa bawat araw na kasama niya si Tito Larkin ay lalo siyang nauuhaw sa isang bagay na hindi niya dapat pagnasaan. Magtatagal kaya si Khaliyah bilang alipin ni Tito Larkin, o tuluyan na siyang magpapasakop sa tukso?
Romance
1023.6K viewsCompleted
Read
Add to library
I Was Forced To Marry My Enemy

I Was Forced To Marry My Enemy

Kasalukuyang live-in partner ng mommy ni Jean Tejada ang daddy ni Kaizer Julian Ezcalante nang ito ay atakihin sa puso. Hindi matanggap ni Kaizer ang biglaang pagkamatay na iyon ng ama lalo pa na ayon sa lumabas na autopsy, sinadya raw kitilin ang buhay ng daddy niya at hindi talagang inatake sa puso ang dahilan. Kaya naman gano'n na lang ang galit ni Kaizer Julian sa live-in partner ng daddy niya dahil wala namang ibang motibo para paslangin ang ama niya kun'di ang kayamanan ng daddy niya. Pinuntahan niya ang bahay ng live-in partner ng daddy niya. Ngunit ang napakaganda nitong anak na si Jean ang naabutan ni Kaizer. Lihim na napukaw ni Jean ang puso ni Kaizer ngunit sa kagaya ni Kaizer na galit at poot ang nasa puso para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama, pilit niyang nilabanan ang atraksyon para kay Jean. Dahil tumakas ang mommy ni Jean na live-in partner ng daddy niya, sapilitang tinangay ni Kaizer si Jean. Ito ang naisip n'yang ipain upang mapalabas ang ina nitong nagtatago sa batas. Papahirapan niya ang dalaga. Kinulong niya ito sa bahay niya. Hangga’t hindi lumalabas ang ina nito ay hindi rin makakalabas ng bahay si Jean. Hindi lang iyon, kahit ang kalayaan nito ay kinuha rin niya. Pinilit niyang magpakasal si Jean sa kaniya kahit labag sa loob ng dalaga. Ayaw ni Jean dahil may iba itong nobyo at mahal din ng dalaga. Subalit ang pagtutol ni Jean ay walang saysay dahil maimpluwensya si Kaizer. Lahat ay kaya nitong gawan ng paraan para pumayag si Jean. Kaya abot langit ang galit ni Jean kay Kaizer. Sumumpa si Jean na hanggang papel lang sila magiging mag-asawa ni Kaizer at gagawa siya ng paraan upang makatakas kay Kaizer kahit sa ano mang paraan.
Romance
1019.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Marahuyo

Marahuyo

Catalina De La Vega, isang babaeng baon sa utang na nangangailangan ng malaking halaga para ito'y mabayaran. Walang magulang o kaibigan na maaari niyang hingan ng tulong kaya para mabuhay, kapit sa patalim siyang gumawa ng paraan. Dito makikila niya ang isang lalakeng tutulong sa kaniya, si Rostam Lombardi. Isang taong makapangyarihan na magbibigay ng pangangailangan niya, subalit mangyayari lang ito kung papayag siya sa isang kasunduang bigyan siya ng anak sa pamamagitan ng isang gabing pagsasaluhan nila. Pumayag si Catalina kapalit ang malaking halaga, ngunit nang malaman niyang idi-dispatsya siya ni Rostam oras na mailabas ang magiging anak nila, agad siyang tumakas at hindi na nagpakita pa sa lalakeng basura pala ang tingin sakaniya. Lumipas ang ilang taong pagtatago, ang kanilang landas ay muling magtatagpo, pero sa sa pagkakataong ito, may batang babae ng kasama si Catalina at iyon ang anak nila ng lalakeng pinangakuan niya. Ipagpapatuloy pa kaya nila ang naudlot na kasunduan o ito ang magiging dahilan para ito'y masira at mauwi sa totohanan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Maid in Manila, Loved in Secret

Maid in Manila, Loved in Secret

Isang simpleng probinsyana lang si Mariz "Izzy" Villoria, na napadpad sa Maynila para kumapit sa pangarap. Pero sa pagdating niya sa isang malaking bahay bilang maid, makikilala niya si Gabriel "Gabe" Alcantara, ang guwapong amo na sampung taon ang tanda, ngunit may pusong sarado sa pag-ibig. Para sa kanya, walang forever. Para sa kanya, laro lang ng apoy ang relasyon. Pero bakit sa bawat ngiti ng bagong katulong ay unti-unti niyang nakikitang may dahilan pa para magmahal?
Romance
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Ex-Husband's Revenge

The Ex-Husband's Revenge

Kapag ang asawa ng isang lalaki ay nabuntis ng iba, karaniwan na pinapalayas ng lalaki ang asawa niya mula sa bahay nila o siya ang makikipag-divorce. Gayunpaman, baliktad ito para sa 26-taong gulang na si Leon Wolf. Trinato na nga siya na parang isang alipin ng mga biyenan niya, pinalayas siya ng bahay ng asawa niya at ng pamilya nito pagkatapos nitong ipagmalaki sa kanya na nabuntis ito sa iba! Naguluhan at puno ng sama ng loob si Leon, naglakbay siya patungo sa sementeryo, kung saan nagkataon na nasaksihan niya ang pagbabalak ng iba na patayin ang isang magandang babae. Habang niligtas ang babae, nakatanggap ng nakakamatay na saksak si Leon sa kanyang dibdib at hinila niya papunta sa ilog ang sumaksak sa kanya para malunod silang dalawa… Ang lahat ay senyales na mamamatay si Leon, dahil hindi na siya umahon mula sa tubig kahit na ilang minutong naghintay ang babae. Nang maniwala ang babae na pumunta na sa kabilang buhay si Leon, umalis siya habang nagsalita siya sa ilog, “Ang pangalan ko ay Iris Young. Puntahan mo ako minsan…” May malay si Leon sa ilalim ng tubig… ‘Iris… Isang magandang pangalan…’
Urban
9.1131.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Cold Hearted Gangsters

The Cold Hearted Gangsters

Sa loob ng labing-pitong taon na pamumuhay lumaking ignorante, walang-muwang sa paligid, isip-bata, at kulang sa kaalamang pantao ang dalagang si Alyana. Ang kagandahang taglay at kainosentihan ng pag-iisip nito ay may nakapaloob na mga misteryo sa kaniyang pagkatao. Pero paano na lang kung sa isang iglap ay makawala siya sa bahay na pinaglulungaan niya? Makakaya niya kaya makipaghalubilo sa ibang tao? Lalo na sa mga GANGSTER na kung saan ay babago sa panibagong pamumuhay niya sa labas ng seldang pinagkulungan niya sa loob ng maraming taon.
Romance
1015.7K viewsCompleted
Read
Add to library
To Love Pryne's Impurity

To Love Pryne's Impurity

Kapit sa patalim ang naging buhay ni Phoebe matapos maaksidente ang kapatid at ngayon ay graduating college student pa siya. Hindi sana sila magigipit ng todo kung hindi sila tinakbuhan ng nakabangga sa kuya niya. At ngayon heto siya, binebenta ang sarili sa kung kani-kanino para sa pera. Kilala siya sa mga escort dahil sa ‘One-time-policy’ niya, hindi na nakakaulit ang mga kliyene niya sa kanya kahit anong pilit ng mga ito. Hanggang sa dumating ang araw na naipit siya sa dalawang lalaki si Dr. Drew Martinez at Mr. Thomas Preston, ang isa na matagal na niyang gusto at ang isa na binili ang pagkatao niya sa pagiging escort. Mas pinili ni Phoebe ang maging submissive ni Thomas kaysa sa komplikadong lagay niya kay Drew dahil sa nobya nito. Tinanggap niya lahat ng insulto at ginawa niya lahat ng nais ng lalaki, hanggang hindi inaasahan mahuhulog sila sa isa’t isa kalakip ang mapait na katotohanan sa trahedyang kinaharap nilang magkapatid at ang kritisismong natanggap sa madaming tao dahil sa dating buhay ni Phoebe. Sa pagkakalagay nilang pareho sa alanganin mas pinili nilang harapin lahat ng bunga ng mga pagkakamali at tanggapin ang katotohanan sa relasyon nilang dalawa. By BuzzyBee
Romance
1013.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
56789
...
25
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status