Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married to the Wrong Man, Loved by the Right One

Married to the Wrong Man, Loved by the Right One

Ipinagkasundo sina Zoila Cortez at Genesis De Sandoval upang mas mapalawak ang kapangyarihan at kayamanan ng kanilang pamilya. Subalit hindi nila mahal ang bawat isa. Isa lamang itong bangungot para sakanila. May mahal nang iba si Genesis, at gagawin niya ang lahat mawala lang sa buhay niya si Zoila. Mas magiging komplikado pa ang sitwasyon sa pagpasok ni Jaxen Valviero. Isang lalaking makapangyarihan, mapanganib, at matagal nang lihim na nagmamahal kay Zoila. Para mapalapit kay Zoila ay nagtago siya sa pangalang Rico De Larna at nagtrabaho siya bilang personal driver nito. Sakanilang palagiang pagsasama mabubuo ang isang pag-ibig na tunay at dalisay. Subalit isang nakatagong sikreto ang nagpabago sa lahat. Isang lihim na kasangkot ang pamilya ni Zoila na naging dahilan upang dumanas siya ng masakit na nakaraan noong bata pa lamang. Namuo ang galit sa puso niya na nagtulak upang iwanan niya sa ere si Zoila, nang hindi man lang niya nalamang nagdadalang-tao ito. Sa paglipas ng limang taon, bumalik siya dahil hindi niya na makayanan ang nalamang kaawa-awang kalagayan ni Zoila sa kamay ng asawa nito. Sa pagkakataong ito, hindi na niya hahayaan pang mawala sakanya ang babae. Gagawin niya ang lahat mabawi lamang ang babaeng pinaniniwalaan niyang sakanya lamang. Ano ang mangyayari sa muling pagpasok ni Jaxen sa buhay ng mag-asawa? Magiging masaya ba talaga si Genesis kung tuluyang mawawala si Zoila sa buhay niya? O gagawa siya ng paraan upang maibalik ang asawang natutunan niyang mahalin kung kailan huli na ang lahat? Maibabalik pa rin ba sa dati ang pagmamahalan nina Zoila at Jaxen na minsan nang winasak ng lihim at masakit na nakaraan? Sa magulong buhay pag-ibig na kinasangkutan ni Zoila, ang kasal ba sa lalaking walang pagmamahal o ang lalaking iniwan man siya pero hindi siya magawang pakawalan… SINO ANG PIPILIIN NIYA?
65 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as katangian ng bata
Read
+Library
SEDUCING NINONG AMADEUS

SEDUCING NINONG AMADEUS

Simula pagkabata, humahanga na si Alliana sa Ninong niyang si Amadeus isang propesor. Kaibigan ito ng kanyang mga magulang at isa sa mga taong naging sandigan ng pamilya niya noong bata pa siya. Kahit noon pa man, alam na ni Alliana sa sarili niya na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya sa kanyang Ninong. Tahimik niyang pinangarap na balang-araw, kapag siya’y ganap nang dalaga, baka sakaling mapansin din siya nito. Lumipat ang pamilya nila sa Vancouver Canada, at doon siya lumaki. Nang bumalik siya sa Pilipinas, isa na siyang kolehiyala. Dahil hindi na makakauwi sa Pilipinas ang kanyang mga magulang, ipinagkatiwala siya kay Amadeus na hindi lang ngayon ay guardian niya, kundi isa rin sa magiging propesor niya sa unibersidad. Sa tabi mismo ng condo unit ni Amadeus siya nanirahan. Mula nang magkita silang muli, hindi nawala ang pagkamangha ni Alliana sa kanya. Hindi pa rin ito nag-asawa. May dalawampung taon ang agwat ng edad nila, pero lalong lumalim ang damdamin ni Alliana sa araw-araw na kasama niya ito. Nakikita niya kung paano ito igalang ng mga estudyante, kung gaano ito ka-organisado at katalino, at kung gaano ito ka-dedicated sa trabaho. Ngunit gaano man siya lumapit, tila may dingding pa rin sa pagitan nila. Turing pa rin sa kanya ni Amadeus ay isang bata. Isang inaanak na kailangang alagaan at ituwid. Nagpasya siyang akitin ito sa kahit paanong paraan na alam niya, at kung hindi pa rin ito bumigay sa kanya tutuluyan na niya itong kakalimutan talaga at ibabaon ang damdamin para rito.
3.7K viewsOngoingAdded to Library 80 Times as katangian ng bata
Read
+Library
Halinghing Sa Sarap: Alipinin Mo Ko, Travis

Halinghing Sa Sarap: Alipinin Mo Ko, Travis

Ako ay sinumpa para parusahang substitute at alipin. Kapag may dapat mahalin, hindi ako iyon. Kapag may dapat paniwalaan, hindi ako iyon. Kapag may dapat sisihin, palaging ako iyon. Noong bata pa kami, iniligtas ko ang buhay ni Travis Mondragon. Pero ang kapatid ko ang tinawag niyang bayani. Minahal niya siya nang buong puso habang ako'y nanatling nakakubli, pinapanood ang lalaking mahal ko na ibinibigay ang lahat sa babaeng nagnakaw ng katotohanan ko. At hindi iyon ang pinakamasakit. Ang pinakamasakit ay nang pilitin niya akong pakasalan bilang kapalit ng babaeng talagang mahal niya. . Limang taon akong naging asawa, natulog sa tabi ng lalaking hindi man lang ako matingnan bilang tao. Para sa kanya, isa lang akong pagkakamali na nakatali sa kanyang pangalan. Pagkatapos ng lahat ng iyon, isang pirma lang ang ibinigay niya sa akin. Parang wala akong naging halaga. Lingid sa kanya, dala-dala ang anak niya sa sinapupunan ko habang nanginginig kong tinatanggap ang diborsyo. Pero kung may itinuro sa akin ang sakit, iyon ay ito.... Ang mga babaeng dinurog nang paulit-ulit ang kadalasang pinakamapanganib kapag napagod nang lumuha. Kaya umalis ako. At binuo ko ang sarili ko mula sa wala. Hanggang sa maging babae akong hindi na kayang tapakan ninuman. At balang araw, kapag nalaman ni Travis ang lahat ng katotohanang ipinagkait sa kanya... Kapag nakita niyang may lalaking minahal ako sa paraang hindi niya nagawa... Kapag napagtanto niyang ang babaeng itinapon niya ang siyang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya... Huli na. Dahil ang puso kong minsang nagmakaawa para sa pagmamahal niya... ay pag-aari na ng ibang lalaki. At ang tanging matitira kay Travis Mondragon ay isang habambuhay na parusa... ang makita akong masaya habang siya naman ay nabubuhay sa pagsisising hindi na kailanman mapapatawad.
10157 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as katangian ng bata
Read
+Library
TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

TIMELESS ONES TRILOGY (FILIPINO ROMANCE)

Jessica Adams
BOOK 1: TIMELESS ONES Ipinangako ni Fritz sa sarili niyang walang ibang babae siyang iaakyat sa dream house niya maliban kay Julia. Ang nag-iisang babaeng minahal at minamahal niya mula pagkabata. Pero nasira ang pangakong iyon nang hingin ng isang malapit na kaibigan na patuluyin niya doon ang isang nangangailangan na sa kalaunan ay napag-alaman niyang si Julia pala. Time is forever for those who love truly. Pero paano mangyayari iyon kung nariyan ang asawa ni Julia na siyang mas may higit na karapatan sa babaeng pinakamamahal niya? BOOK 2: JOURNEY TO FOREVER Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba. BOOK 3: UNBROKEN VOW Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusi'y posible ring masira?
9.6K viewsCompletedAdded to Library 200 Times as katangian ng bata
Read
+Library
The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me

The Ruthless Trillionaire I Divorced Now On His Knees for Me

May karapatan pa ba ang lalaking itinapon ka noon na bawiin ka ngayon? Sa ika-25 linggong pagbubuntis, nahuli ni Gaile Enriquez ang sarili niyang asawa, hindi sa kama, kundi sa ospital, habang siya’y nagpapa-check up para sa anak nilang ipinagbubuntis niya. Tinawag pa siyang “Aunt” ng bata at magandang babaeng na kabit ng asawa niya. Ang mas masakit, walang makikitang kahit kaunting hiya, ni katiting na awa sa mga mata ni Kaiden Montelvar, isang ruthless trillionaire CEO na sanay mangwasak hindi lang sa negosyo, pati na ng puso. Para sa kaniya, si Gaile ay isang babaeng social climber, isang babaeng handang gawin ang lahat para umangat, kahit gamitin ang kama upang itali siya sa isang kasal. Ang hindi niya alam, walong taon na siyang lihim na minamahal ni Gaile. Kaya sa isang iglap, walang paliwanag. Walang awa. Divorce papers ang inabot niya. Sa araw na iyon, gumuho ang mundo ni Gaile. Walong taon ng pagmamahal, sakripisyo, at pananahimik, lahat binura sa isang pirma. Nanganak siya. Umalis. At tuluyang naglaho. Limang taon ang lumipas. Bumalik si Gaile, malayo sa dating babaeng minamaliit. Isa na siya ngayong makapangyarihang negosyante. Elegante, matalino, at hinahabol ng mga lalaking handang ibigay ang mundo sa kanya. Ngunit... hindi pa pala sila tuluyang na-divorce ni Kaiden. At nang ipinahayag ni Gaile ang kanyang engagement sa ibang lalaki, tuluyang nawala sa kontrol si Kaiden. “Marry another man?” aniya, mapait at puno ng sakit ang boses habang kinukulong sa kaniyang bisig si Gaile nakadantay sa pader. “Over my dead body, Gaile. I’ll take you back, kahit sa anumang paraan. You’re still my wife. Sa akin ka lang.”
9.627.6K viewsOngoingAdded to Library 633 Times as katangian ng bata
Read
+Library
IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS

IDLE DESIRE 4: IN THE ARMS OF HELLION TRIPLETS

ImaginationNiAte
She was rich, gorgeous and perfectly amiable. She has a bright and bubbly personality. She's Aeliana Hiraya and everyone calls her señorita. Pinagkasundo siyang ipakasal ng kanyang ama sa anak ng kaibigan nito, subalit hindi siya sumipot sa araw ng kasal. She's not stupid, so why would she show up on the wedding day and marry the man she doesn't love? She ran away, kahit pa na magalit sa kanya ang daddy niya. Her father's bodyguards chased her, and tried to bring her back to their Hacienda. She hid herself in a car to escape from those bodyguards. But something unexpected happens. Sa gulat ni Aeliana ay hindi niya akalain na meron din palang nakasakay sa kotse na 'yon at gumagawa ng kababalaghan. She didn't expect to see and meet three charming, fine-looking, hunky and drop-dead gorgeous men na kapwa mga nakahubad. Ang Hellion Triplets. The triplets who are sexually attracted in her eyes. The Triplets who fell in love with her at first sight and now they want to win her heart. Dahil bata pa lang silang tatlo ay may ipinangako na sila sa isa't-isa, and that is to share. Hindi sila maramot, handa nilang tatlo na paghatian ang atensyon at pagmamahal niya. They have no other wish but to get Aeliana, the gorgeous girl who makes their hearts go crazy and they want her in their arms. She is only for the Hellion Triplets. They will give everything or anything to her, and love her no matter who she is. Is she ready to have and enter into a polyandrous relationship? Handa nga rin ba si Aeliana na papasukin sa buhay niya ang Triplets na sabay na kumakatok sa puso niya? Ang Triplets na walang ibang nais kundi ang mahalin at maangkin siya?
1.5K viewsOngoingAdded to Library 53 Times as katangian ng bata
Read
+Library
CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress

CEO'S Proposal Turned Me Into His Mistress

Si Haraleigne Perez ay isa lamang na mababang empleyado ng Dela Valle Corporation. Tila ba walang katapusan ang kahirapan at ang kanda-kuba niyang pagkayud sa buhay, ngunit ito ay tuluyang nagbago ng isang gabing malasing siya mula sa business trip at maka one night stand niya ang kanilang CEO na si Gabriel Dela Valle. "I need a marriage partner, Hara Perez." "Ano po, sir Gabriel?" Maang na tanong ni Hara dahil wala siyang ideya bakit iyon sinasabi sa kanya ni Gabriel. "I said....marry me." Pansamantalang pamalit, kabit o parausan. Iyan ang naitatak ni Hara Perez sa kanyang sarili magmula nang tanggapin niya ang kasunduang magpakasal kay Gabriel kapalit ang pagpapagamot sa kanyang ina na nangangailangan ng pera para ma-operahan. Napagtanto niyang may babaeng minamahal pala si Gabriel at ito ay ang kanyang kasintahan na si Dana Hernaez Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya na kaya nagpakasal si Gabriel ay dahil gusto lamang nitong maghiganti kay Dana at si Hara ang napili niya bilang wastong kasangkapan sa kanyang ninanais. Ibinaba niya ang kanyang dignidad para lamang sa ikabubuti ng kanyang ina. Ngunit hanggang kailan siya malalagay sa ganitong sitwasyon? Hanggang kailan siya magiging panakip butas lamang? Darating kaya ang araw na mamahalin din siya ni Gabriel?  "Please, alagaan mo siyang mabuti para saakin ha, maari ba iyon?" "Nagmamakaawa ako, sa ngayon ay mahalin mo siya para saakin." Paki-usap ni Dana. "Hindi kasama sa kontrata na mamahalin ko siya para sa'yo." Matigas na pagtatanggi ni Hara. Ngunit ano ang kanyang gagawin nang napagtanto niyang nahulog na rin siya kay Gabriel at nagbunga ng inosenteng bata ang kanilang pekeng kasal?
1032.9K viewsOngoingAdded to Library 1.2K Times as katangian ng bata
Read
+Library
Married To My Evil Boss: Instant Mommy

Married To My Evil Boss: Instant Mommy

*A romantic comedy with a heart-tugging twist — following a lighthearted yet challenging journey of love, sacrifice, and unexpected family. A tale of a simple girl thrust into a fake marriage, sudden motherhood, and a boss whose heart may be harder to win than she thought.* ********* "Marry me, you'll get money for your mother's surgery, and I get a wife to face my family." Napatitig si Tin kay Xander. Kinakalkula niya bawat katagang binitiwan nito. Seryoso ba ang lalake sa sinasabi? Guwapo si Xander. Walang babaeng tatanggi kahit sino ang alukin nito ng kasal. Maraming magaganda at mas sosyalin na babae na umaaligid dito. Kaya napatanong siya. Bakit siya? Isang probinsiyana na hanggang higschool lang ang natapos ang inaaya nitong pakasalan. "Sige..." Pumayag siyang maging asawa ng isang Xander Dela Vega. Pero hindi lamang pala pagiging asawa ang magiging papel niya sa buhay nito. Dahil ipinagpilitan ng Lola nito na magtrabaho siya sa kompanya bilang secretary ng lalake. "And by the way..." Kinuha nito bigla ang isang sanggol sa pangangalaga ng isang babae. Pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang ampunan naman sila pumunta. "From now on, you're his mommy..." Nanlaki ang mga mata ni Tin. Wala sa usapan nila ang pagiging instant mommy niya. Pero paano kung mapamahal si Tin sa bata maging sa ama nito? Paano niya susukilin ang damdamin na umuusbong kung may hangganan naman ang kanilang kontrata? Kaya bang ipaglaban ni Tin ang pamilyang nabuo sa kontrata pero minahal at inalagaan niya? O susukuan niya iyon dahil natapos na ang pagiging instant wife at instant mommy niya? ***** "Pinakasalan mo lamang naman ako dahil inakala mong mabibilog mo ang ulo ko. Dahil ano? Hamak na probinsiya lang ako! Madaling maloko. Madaling paikutin! Nagkakamali ka! Dahil hindi ako bobo, Xander. Hindi ako tanga para gaguhin mo!"—TIN.
9.814.8K viewsOngoingAdded to Library 384 Times as katangian ng bata
Read
+Library
Rejected Daughter, Reclaimed by my Trillionaire Husband

Rejected Daughter, Reclaimed by my Trillionaire Husband

Nang ipinanganak si Celeste Dela Vega ay nakaplano na ang kanyang kapalaran—iyon ay ang ginawang pag swap sa kanya ng family maid nila sa anak nito sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang bata, habang si Celeste ay itinapon lang sa kung saan. 20 years later, the Consunji family finally found her. Ang buong akala niya ay magiging maayos na ang kanyang buhay, ngunit kabaligtaran ang nangyari. Instead of guilt, they gave her betrayal. Her fiancé Jaxon Jimenez cheated on her, and her family took their maid’s daughter’s side. Ginawa ni Celeste ang lahat upang labanan ang sarili niyang pamilya, ngunit tila mas lalo siyang pinahihirapan nito, hanggang sa wala na siyang ibang pagpipilian kundi gamitin ang black card na matagal nang nakatago—bagay na lalong ikinapahamak niya. Bullied and desperate, Celeste finally gave up, but immediately saved by the owner of the black card—ang tinaguriang pinakamayaman at makapangyarihang tao sa buong bansa. “Your fiancé? You’re dreaming, Celeste. There’s no way Mr. Razon would take you as his soon-to-be wife.” “What’s the problem with that, Mr. Jimenez? Are you insulting my wife?”
107.7K viewsOngoingAdded to Library 161 Times as katangian ng bata
Read
+Library
My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad

My Fake Mechanic Is My Son's Billionaire Dad

​​"She hid his child. He hid his billions. But little Cupid will bring them together.” ​Nagpanggap na isang mahirap na mekaniko ang bilyonaryong si Nicholas King para makahanap ng tunay na pag-ibig, at nahanap niya ito kay Celine Dela Cruz. Ngunit matapos ang isang mapusok na gabi, biglang naglaho si Nicholas nang walang paalam upang protektahan si Celine mula sa isang banta sa kanyang buhay. Ang hindi niya alam, nabuntis niya si Celine. ​Pitong taon ang lumipas, matagumpay na CEO ng isang Event Planning Company si Celine. Muli silang nagtagpo sa isang engrandeng ball ng King Enterprise, at doon lang nalaman ni Celine na ang "mahirap na mekaniko" na nang-iwan sa kanya ay ang pinakamayamang bilyonaryo pala sa bansa. ​Upang itago ang katotohanan, nagsinungaling si Celine na ang anim na taong gulang na anak niyang si Axel ay anak niya sa ibang lalaki. Dahil kamukha ng ina ang bata, naniwala naman si Nicholas. ​Ngunit dahil kay Little Cupid na si Axel, naging kliyente ni Celine si Nicholas. Walang kamalay-malay ang henyo at pilyong si Axel na si Nicholas ang kanyang tunay na ama, pero ito agad ang pinili niyang maging "perfect match" para sa kanyang Mommy. Gamit ang kanyang talino, palihim na mag-iimbento si Axel ng mga fake dates at accidental meetings para paglapitin ang dalawa. ​Kaya ba ni Celine na panindigan ang kanyang lihim kung ang sarili niyang anak ang tumutulong para mapalapit muli sila ni Nicholas? ​Ano ang gagawin ni Nicholas kapag nalaman niyang ang batang "Little Cupid" sa kanila ay ang sarili niya palang anak?
236 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as katangian ng bata
Read
+Library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status