Oops! Our Accidental Babies Made Us One
Maaga pa lang, at hindi pa peak hour ng bar ay nagkalat na ang mga customers pero wala pang sumasayaw, kadalasan ay nakaupo lang ang mga ito sa designated tables nila at kumakain, o ‘di kaya ay nag-iinuman na.
Hindi sa first floor ang assigned area ni Kiara. Siya ay nakatoka sa second floor ng resto-bar. Sa second floor ay naroon ang mga pribadong silid na may KTV, arcade, dining area, at kung anu-ano pa. Doon madalas naglalagi ang mga bigating tao na ayaw makisalamuha sa iba, o ‘di kaya ay may ginaganap na meeting.
“Tignan mo ‘to.” Inabot bigla ni Clara ang isang ipad.
Bab Populer