Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Lahid

Lahid

Rick Resonable
Ang nobelang ito ay pagbalik-tanaw sa taong 1884 kung saan ang Pilipinas ay nasa pamumuno pa ng kahariang Espanya. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang Italyano-Pilipinong mestisa na gustong ibaon sa limot ang pagiging isang bampira at ninais mamuhay ulit ng karaniwan bilang isang tao. Mula sa mga magagandang kuwento ng kanyang yumaong ina, naisipan ni Carmela Salvanza na manirhan at simulan uli ang ibig na pangkaraniwang pamumuhay sa isang bansang tinawag na Felipinas (dating pangalan ng Pilipinas noon), sa bayang ipinangalang Santa Lucia kung saan ang siyang lupang tinubuan ng kanyang ina. Lingid sa kaalaman na siya ay isang bampira, tinanggap siya ng kanyang nag iisang tiyuhin na si Don Graciano Agoncillo kung saan naman nakilala niya at naranasan ang mainit na pagtanggap nang masaya at karaniwang pamilya nito. Nakilala din ni Carmela ang isang Kastila-Pilipinong mestiso na si Eduardo Ramirez na siyang naging kanyang irog at pinakatatanging minamahal. Ngunit sa buong akala ni Carmela ay nalalasap na niya ang inaasam-asam na pamumuhay bilang tao ulit dahil sa nararanasang init ng pagtanggap ng isang pamilya at sa masaya't puno ng pagmamahal na pag-ibig , siya ay madadala sa isang malagim at nakatagong lihim ng Santa Lucia, ang mga sekreto ng mga sumpa at dugo na itinago ng maraming nagdaang taon.
Fantasy
108.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Quit Playing Games (Tagalog)

Quit Playing Games (Tagalog)

"Sabihin na lang natin na pagod na ako sa paglalaro at nais kung tigilan na ito? Gusto kong mapalapit sa iyo dahil gusto kita. Nais kong malaman kung pareho ba tayo ng gusto o mali lang ang interpretasyon ko sa kilos mo?" "Hindi, tama ka," pag-amin niya. "Pero nitong hapon lamang ay sinabi mo na ako ay isang komplikasyon na hindi mo kailangan." "Over-analyzing is second nature to me. It’s helps me more often than I care to count. Ngunit hindi sa pagkakataong ito." "Parang hindi naman ganoon iyon," masuri niyang sinabi. "Marahil ay narealized mo lamang na walang magandang patutunguhan ang pakikipagrelasyon sa akin." "I don’t care about the future. Ang tanging mahalaga lamang ay kung ano ang narito at ang ngayon. " Humakbang siya patungo sa kanya, pagkatapos ay isa pa, hanggang sa halos malanghap na niya ang halimuyak ng kanyang balat. “Ano ang masasabi mo, Lara?" he asked hoarsely. "Handa ka bang makipagsapalaran sa akin?"
Romance
109.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BACHELOR SERIES 1: STRIPPER

BACHELOR SERIES 1: STRIPPER

|MATURE CONTENT| R-18 Dahil sa estado ng buhay nilang dalawa ay pinaghiwalay sila. Mahirap para sa kay Astrid na layuan ang taong pinakamamahal niya ngunit wala siyang nagawa dahil na rin sa kagagawan ng ina ni Davin. Paano kung isang araw ay mag-krus muli ang landas nilang dalawa? Mabuo pa kaya ang nawasak nilang pagmamahalan lalo pa at may anak silang dalawa o magiging mitya lamang ito ng muli niyang kabiguan? Matanggap kaya siya nito sa kabila ng trabaho niya bilang isang STRIPPER o kamumuhian siya at pandidirihan dahil sa trabaho niya?
Romance
108.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
 Bastarda Series-|||: Mr. President Secret Affair

Bastarda Series-|||: Mr. President Secret Affair

Szarina Kim Orpesa, Labing dalawampung taon gulang. Lumaki sa pagmamahal ng isang pamilya na isang mahirap lamang. Dahil sa kagustuhang makapagtapos ng pag aaral para makatulong sa pamilya na kumupkop sa kanya ay ginawa niya ang kanyang makakaya makapasa lamang sa scholarship ng isang exclusive school sa Manila. Akala ni Szarina kapag lumuwas s'ya ng Manila ay magiging maganda at maayos ang kanyang pag-aaral, akala lang pala niya iyon. Dahil sa isang nag ngangalang Jeran Zeus Underthesaya ang Presidente ng Pilipinas ay biglang magbabago ang kanyang kapalaran. “Pumayag ka lang sa gusto ko Szarina. Ang lupang nakasanla saiyong tiyahin ay pwede mo ng mabawi, hindi kana mag-iisip pa kung paano mo mababawi ang lupa ng mga magulang mo. Isang buwan lang ang binigay na palugit ng iyong tiyahin sa iyong ina, hindi mo mababayaran iyon sa loob lang ng isang buwan na sweldo mo bilang isang sekretarya ko. Mag-isip isip ka Szarina. Ano nga ba ang magiging desisyon ni Szarina? Tatanggapin ba ni Szarina ang inaalok ni Jeran sa kanya? o hahayaan na lang nito na may mawala pang isa sa mahal niya sa buhay? Atin pon basahin ang kwento ng dalawa sa pinamagatang Mr.President Secret Affair ni J.C.E Cleopatra.
Romance
105.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
REVENGE LGBT

REVENGE LGBT

Nain love ka sa unang pagkakataon at sa matalik mo pang kaibigan. Hindi mo kinaya at pinili mong ipagtapat ang lihim mong nararamdaman para sa kanya. Isang bagay na pinagsisisihan mo dahil nalaman mong ayaw nya sayo at pati ang pagkakaibigan nyo ay kasinungalingan lang din pala. Paanu kung makalipas ang sampung taon mag krus muli ang landas nyu? Ang dating mayaman na si Klio Krixton ngayon ay nag aapply bilang assistant mo. Sa pagkakataong ito nais mong maghiganti. Paiibigin mo siya saka ipamumukha ang sakit na naidulot niya 10 yrs ago. Pero paano kung ang isang Bria Brixton ay umiibig pa din pala kay Klio Krixton? Mananaig ba ang Revenge na sinimulan mo o true love really does exist?
LGBTQ+
9.236.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Unconditional

Unconditional

Prinz Amaranthine GonzalesDramaGoodgirlIndependent
Sabi nila, ang buhay daw ay isang walang katapusang pakikibaka. Minsan, ang mga labang kailangan mong pagtagumpayan ay yaong mga hindi mo inaasahan. Handa ka ba sa anumang hamon ng buhay? Gaano kahanda ang puso mo sa mga bagay na ni sa hinagap ay hindi mo akalaing haharapin mo? Paano kung kinakailangan mong mahiwalay sa pinakamahalagang bahagi ng pagkatao mo? muli ka bang babangon para magpatuloy, o hahayaan ang sariling malugmok sa sitwasyong kinalagyan mo? Sa kabilang dako, gaano kalaking sakrepisyo ang handa mong ibigay para sa isang buhay na nakasalalay sayo? Handa mo bang talikdan ang lahat para sa isang responsibilidad na biglang naatang sa mga balikat mo? Ano ang mga hamon na kaya mong suungin, mga pagbabagong kaya mong harapin para sa isang bagay na hindi mo naman lubos na ma-a-angkin? Ang pag-ibig ba ay laging may depinisyon? Lagi ba itong may basihan at kaagapay na kondisyon? Pano kung ang pagmamahal ay ipinagkait ng panahon, mabibigyan pa ba ng isang pagkakataon? Ito ang mga tanong na minsan ko nang naitanong sa sarili ko, at hanggang ngayo'y gumugulo sa isipan ko. Simple lang naman sana ang mithihin ko, subalit bakit ipinagkait ito sa akin? Naalala ko pa kung paano nagsimula ang lahat...
Other
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Savage and Ruthless Ex-Boyfriend

My Savage and Ruthless Ex-Boyfriend

KittyCatty26
What if one day your ex showed his handsome face in front of your door steps? Pero kung noon, mabait at mahal na mahal siya nitong Ex niyang ‘to. Ngayon galit na galit ito sa kaniya, na halos isumpa siya nito. Kung nakakamatay nga ang pagtitig lang, baka bumulagta na siya ngayon dahil sa matalim na pagtitig nito. Pero mga mare, nawindang ang kagandahang lupa ni Janice nang sabihin nito kabit siya ng tatay nito. At kaya ito nagpakita sa kaniya ay para ilayo sa ama nito nang tuluyan, kasama na rin ang paghigantihan siya sa pang-iiwan niya rito five years ago. Tapos itong Ex na ito ay tinaguan mo ng anak, for five years. Na ngayon ang buong akala ay kapatid nito ang sarili nitong anak, dahil nga sa iniisip na kabit siya ng ama nito. Magkaayos pa kaya silang dalawa, matutuloy kaya ang naudlot na romance o forever na lang na bokya sa love life silang dalawa.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

Ang kasal ay nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Si Jane ay kinasal sa lalaking dalawang beses palang niyang nakikita. Wala silang pagmamahal sa isa’t isa, para sa kanilang dalawa ang kanilang kasal ay sa papel lamang. Paano kung isang araw ay matuklasan niya na si Clegane, ang kanyang asawa ay hindi pala ordinaryong lalaki lang?
Romance
10974 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
EXOTIC GIRL:  ANAYA VIJAR

EXOTIC GIRL: ANAYA VIJAR

Apple Balboa
Paano kung ang nag-iisang taong tanging kakampi mo ay biglang nawala? Ang taong tanging tagapagtanggol mo sa mga umalipusta, nagmaliit at pinagtawanan ka dahil sa iyong maitim na kulay. Magbabalik para pagbayarin ang may sala. Gagamitin ang kakaibang kagandahan para singilin ang pamilya Capili. Ang gandang sa lugar na kinalakhan, ay pinandirihan. Gandang pinagtawanan, kinutya, minaliit at hinamak. Sa lugar kung saan ang basehan ng kagandahan ay kaputian. Hindi tanggap ang isang- EXOTIC ang kagandahan.
Romance
105.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
I Have Her Heart (BL)

I Have Her Heart (BL)

Pinanganak si Spencer dela Cruz na may CHD (Congenital Heart Disease). Ito ang dahilan upang palitan ang kanyang puso sa pamamagitan ng Heart Transplant. Sa isang car accident naman nasawi si Nathalie Mendoza ang girlfriend ni Alfred Aaron Villanueva. Sa pagkamatay ni Nathalie ay siya rin namang pagdugtong ng buhay ni Spencer, dahil ang puso nito ang pusong ipinalit sa binata. Ano kaya ang gagawin mo kung ang puso ng taong labis mong minahal ay iba na ang nagmamayari? Maaari nga bang matandaan ng puso ang iniibig nito? Madidiktahan ba natin ang ating damdamin kung sino ang nararapat nating ibigin? Marami pa tayong malalaman at matututunan sa kwento ng dalawa nating bida. Kaya ating subaybayan ang istorya ng wagas at walang tinitignang kasarian na pagibig. Ating itong kapulutan ng aral at inspiransyon. (Lahat tayo ay may karapatang umibig at ibigin, kaya wag sana tayong matakot na magmahal, dahil para narin nating tinanggalan ang ating sarili ng karapatan.) — Alnaja Heart
LGBTQ+
9.813.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
56789
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status