Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Minsan, Madalas (Life Series 1)

Minsan, Madalas (Life Series 1)

Ito ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim ng kaniyang paboritong bomber jacket. Si Sining, isang business major at dean's lister sa parehong unibersidad; ang makulit na dalagang gustong pumasok sa magulo at miserableng buhay ng binata. Sa likod ng masigla at makulit na si Sining, ano nga ba ang kaniyang motibo upang ipagsiksikan ang kaniyang sarili sa magulong buhay ni Jaq?
Romance
10251 viewsCompleted
Read
Add to library
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10810 viewsOngoing
Read
Add to library
Mamamatay Na Ako... Bukas!

Mamamatay Na Ako... Bukas!

Maja Rocha
Pito kami sa barkada: sina Laila, Janine, Eve, Alden, Dan, Jomari at ako —si Bianca. Sa maniwala kayo’t sa hindi, apat na ang nalagas sa amin matapos magpunta ng iba sa isang bulung-bulungang manghuhula sa University. Hindi nito hinuhulaan ang love life mo, o kung ano ang magiging career mo in the future, kundi ang petsa ng kamatayan mo at kung paano ka mamamatay. Sundan ang kuwento ni Bianca. Makatakas kaya siya sa kamatayan niya, o magaya rin kaya siya sa mga barkada niya? “BUKAS” na... Nakahanda ka na ba?
Paranormal
7.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Not Your Wife Anymore

Not Your Wife Anymore

Sa batang edad ay napilitang magpakasal si Raven Santana sa nag-iisang tagapagmana ng Go Prime Holdings na si Caleb Go. Pero pagkatapos niyang ipanganak ang kamnbal nilang anak, hindi pa rin naging maganda ang kanilang pagsasama. Hindi siya tinratong asawa ng lalaki. Hanggang sa dumating sa punto na napuno na si Raven at nakipaghiwalay na sa asawa. Maraming nagtaka sa ginawa niya. Sabi nila ay para siyang nagtampo sa bigas, pinakawalan ang isang napakagandang pagkakataon. Pero paano kung ang wakas pala ng pagsasama nila ni Caleb ay ang magiging simula ng panibagong kuwento ng buhay ni Raven? At sa kuwentong iyon, siya naman ang bida.
Romance
1039.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Another Hundred Years to Love You

Another Hundred Years to Love You

Juanmarcuz Padilla
Noong una, inakala nina Mj Krisela Maceda at Jarred Lloyd Villagracia na nagreincarnate sina Edcel Kate Del Amor at John Eric Ballesteros sa kanila, ang magkasintahang nasawi ang pagmamahalan dahil sa kagagawan ni Kenneth Whin Villagracia, ang kakambal ng ama mismo ni Jarred. Until complicated stories found them both and thier connections to the deaths of those two lovers twenty years ago. Ang kuwento ba ng pagmamahalan ng dalawa ay magiging kapalaran din ng pagmamahalan nina Mj at Jarred? Hindi kaya nagpapanaginip ang mga ito dahil may mensaheng nais iparating o dahil may gustong ipaalala sa kanilang dalawa?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Not Ordinary Love

Not Ordinary Love

Not Ordinary Love tells the story of two people who never expected to find love again. Si Alexie, iniwan at nasaktan, pilit na binubuo ang sarili habang hinaharap ang bagong simula. Si Emman, palatawa at palabiro sa harap ng iba, pero may tinatagong takot at totoong pagkatao na bihira niyang ipakita. Nang nagtagpo ang landas nila, hindi agad romance ang dumating kundi friendship, comfort, at mga simpleng sandaling unti-unting nagbukas ng puso nila. Sa gitna ng trabaho, pamilya, at mga taong hindi sang-ayon, natutunan nilang ipaglaban ang pagmamahal na hindi pangkaraniwan, pero totoo. Ito ang kuwento ng healing, second chances, at pag-ibig na hindi kailangan maging perfect para maging tama. Minsan, ang pinaka-hindi ordinaryong pag-ibig… ang siya palang pinakareal.
Romance
103.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Mute Billionaire Husband

My Mute Billionaire Husband

Hindi nakakapagsalita si Allen Holmes na nakilala ni Anthara Murillo bilang isang weird na lalaki. Humingi ito ng tulong sa kanya at nagawa nitong madaliin ang pagdadalawang isip niya. Nakapag desisyon siya agad. Tutulungan niya si Allen kahit na hindi ito makapag salita. Kahit na hindi nito maipaliwanag kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila habang tumatagal silang nagsasama. Mas lumalalim ang ugnayan, mas nagiging mainit ang nararamdaman. Ngunit dahil sa mga emosyon na dumadaloy sa kanila, paano kung ang tahimik ay makapagsalita? Paano kung ang nahihirapan magsabi ng damdamin, makapag kuwento? Paano kung ang bilyonaryong hindi makapagsalita ay sa wakas maibabahagi na ang mga nilalaman ng kanyang puso at isipan?
Romance
107.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Destiny

Destiny

Dahil sa ambisyon, kinalimutan lahat ni Erica ang kanyang pag-ibig kay Jacob. Sa tulong ng mag-asawang Concepcion at ng nag-iisa nilang anak na si Elena, nakamit ni Erica ang kanyang pangarap. Subalit, mayroong nalaman si Erica, napangasawa ni Elena si Jacob. Ngunit may problema. Hindi mabibigyan ng anak ni Elena si Jacob. Kaya humanap ng baby maker si Elena. At si Erica ang napapayag niya. Pag-ibig pa kaya ang dahilan kung bakit pumayag si Erica o dahil umaasa parin si Erica na ito ang magiging daan sa muli nilang pag-iibigan ni Jacob. Tunghayan natin ang kuwento at pakikipag sapalaran ni Erica sa mundong gulo at pighati ang hatid sa kanya
Romance
106.2K viewsCompleted
Read
Add to library
ROSE BEHIND THOSE LETTERS

ROSE BEHIND THOSE LETTERS

Si Rosanne Oliveros ay isang anonymous writer sa isang writing platform. Ikinagulat na lamang niya isang araw nang may magkagusto sa kaniyang anonymous writing persona. At mapaglaro nga naman ang tadhana dahil ang taong may gusto sa kaniya ay nagugustuhan ng kaniyang kapatid. Dahil doon ay gumawa ng plano ang kapatid niya at nagkunwaring siya; ginamit ng kapatid niya ang kaniyang anonymous writing persona para mapansin ng lalaki. Niloko nilang dalawa ang lalaking inosente. Hindi man agree sa bagay na iyon ay wala nang nagawa pa si Rosanne dahil naipit siya sa mga utang na loob sa kapatid. Ano ang gagawin niya? Paninindigan na lang ba niya at kukunsintihin ang panloloko ng kapatid? Subaybayan ang kuwento ni Rosanne Oliveros tungo sa pagpapakatotoo.
Romance
2.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Sa likod ng karangyaan ng Hacienda Avaristo, may mga lihim na itinago — mga sigaw ng kababaihang inapi, mga pag-ibig na pinagkait, at mga kasalanang sinilaban ng panahon. Isang dalagang kasambahay, isang panginoong marahas, at isang pag-ibig na ipinagbawal— mula sa abo ng kahapon ay babangon ang isang babaeng gagamitin ang bawat sugat bilang kanyang sandata. Ito ang kuwento ni Amarra Villasanta, ang babaeng minsang inalipin, ginahasa, itinapon, ngunit muling bumangon upang ibalik ang hustisya sa lupaing minsang kinasusuklaman niya. Isang epikong kasaysayan ng pagdurusa, paghihiganti, at kapatawaran, kung saan matutuklasan na ang tunay na “lihim” ng Hacienda ay hindi ang kasalanan ng nakaraan— kundi ang kapangyarihan ng isang pusong marunong magmahal kahit sa gitna ng impyerno.
Romance
10190 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status