LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate
Ngunit ang anak nitong si Leon na ngayon ang puntirya ng grupo dahil alam ng mga ito na malaki ang posibilidad na si Leon ang susunod na hahalili sa pwesto ng ama nito.
Nang malaman ni Liam na may binayarang babae ang kanyang ama para magmanman sa mansyon ni Leon Aragon, agad din niyang kinausap ng palihim ang babae.., at yun ay si Karla, ang babae sa Casa. Nagpakilala siya dito bilang Liam, hindi bilang Arzon. Dinoble niya ang bayad dito kapalit ng isang kasunduan, na anumang impormasyong makuha nito sa loob ng mansyon, ay kailangan ding ireport sa kanya.
Wala siyang balak sirain ang plano ng ama niya. Wala rin siyang balak na pigilan ito. Ang gusto lang niya ay magkaroon ng sariling ambag