Sweet Disposition
Interesado ako kung ano ang nilalaman no'n.
"Kumusta ka na, Juness? Ako, miss na miss na kita. Miss ko na 'yung bonding nating tatlo nina Osang. Malapit nang matapos ang unang semester natin, sana makapasa tayong lahat at wala tayong maging bagsak. Sa ngayon, wala pa ring progress kung mapapatawad ka na ba ni Osang. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na maibalik natin 'yung dati. Ako naman, heto, nagtitinda pa rin ako ng yema at pastillas kapag may time. Nabalitaan namin na naghiwalay na pala kayo ni Zerudo. Alam kong malungkot ka ngayon pero wala kang karamay. Kung nandiyan lang sana ako, niyakap na kita nang mahigpit. Magpakatatag ka, prend. Love you!"
Pagkatapos m