Sagad ng Pagnanasa
Akala niya masungit ito pero mali pala ang akala niya.
"Aia po ang pangalan ko, salamat po, kailangan ko pong gawin iyon, gusto ko lang sagipin ang sarili sa demonyong 'yon," saad niya sa matanda.
"Ako si Aling Vicky, mabait naman yang si sir Hercules, nagkataon lang na nagkakilala kayo sa maling paraan. Ang balita ko nagnakaw ang nanay mo ng ilang bilyon sa kompanya ng mga Del Fuego," wika nito sa kanya.