Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Naging Girlfriend Ako ng Kaaway ng Ex Ko

Naging Girlfriend Ako ng Kaaway ng Ex Ko

Ang boyfriend ko ay itinuturing na prince charming sa aming social circle, ngunit sa selebrasyon ng kaarawan ko sa isang yate, tinulak niya ako sa dagat para lang magpakitang-gilas sa isa pang babae mula sa aming university, pinagtawanan nila ang takot ko sa tubig. Lingid sa kaalaman niya, mayroon akong aquaphobia. Dahil dito, sinugod ako sa ICU habang nagawa naman niyang makuha ang puso ng campus belle. Noong nagising ako, nasa tabi ko siya at humihingi ng kapatawaran, ngunit wala akong ideya kung sino siya. “Pasensya na, kilala ba kita?” Tanong ko, takang-taka ako. Pinaliwanag ng doktor na nawala ang ibang alaala ko. Subalit, patuloy niyang ipinagpilitan na siya ang boyfriend ko. Hindi ko napigilang makipagtalo sa kanya. “Imposible! Si Raleigh Landon ang boyfriend ko!” Alam ng lahat na si Raleigh Landon ang pinakamumuhian niyang kaaway.
Read
Idagdag sa library
Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig

Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig

Pagkatapos ng tatlong taon naming pagdadate ni Nathan Foster, inakala kong alam ko na kung saan kami tutungo. Pero hindi siya kailanman nagpropose sa akin. At sa halip ay nagawa pa niyang malove at first sight sa aking stepsister. Naging direkta at walang tigil ang ginawa niyang panliligaw dito na hindi nagiwan ng pagdadalawang isip sa aking isipan. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako nagbreakdown o naghintay pa sa mga mangyayari habang umaasa na babalik pa siya gaya noon. Napagdesisyunan ko nang makipaghiwalay. Itinapon ko ang lahat ng regalo niya sa akin, pinagpunit punit ko rin ang wedding dress na lihim kong binili at noong kaniyang kaarawan, iniwan ko sa aking nakaraan ang Riverdale. Nang sasakay na ako sa aking flight, nagmessage si Nathan sa akin: “Nasaan ka na? Hinihintay ka ng lahat.” Ngumiti ako, pero na ako nagreply sa kaniya habang binoblock ko siya sa bawat platform. Wala siyang ideya na dalawang linggo na ang nakalilipas mula noong tanggapin ko ang proposal ng aking college senior na si Eustace Cooper. Nang lumapag ang eroplano sa bagong siyudad na aking titirhan, nakahanda na kami ni Eustace na simulan ang bagong yugto ng aming mga buhay nang magkasama—bilang magasawa.
Maikling Kwento · Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Nakalimutan sa Kamatayan

Nakalimutan sa Kamatayan

Dalawang buwan ng mamatay ako, napagtanto ng mga magulang ko na nakalimutan nila akong iuwi mula sa lakad nila. Naiinis na sumimangot at sumigaw ang ama ko. “Dapat siyang maglakad mag-isa mismo. Kailangan ba niya talaga itong palakihin?” Ang kapatid ko, na mayabang, ay binuksan ang chat namin at nagpadala ng emoji, kasama ng message. [Mamatay ka na dyan. Sa ganitong paraan. Kami ni Scarlet ang maghahati sa pamana ni Lola.] Wala siyang natanggap na sagot. Habang malamig ang ekspresyon, nagsalita ang nanay ko, “Sabihin mo sa kanya na kapag nagpakita siya sa kaarawan ng lola niya sa tamang oras, hahayaan ko na ang pagtulak niya kay Scarlet sa tubig.” Hindi sila naniniwala na hindi ako nakaalis ng gubat. Matapos maghukay ng malalim, nakita nila sawakas ang mga buto ko.
Read
Idagdag sa library
Itinadhana sa Isang Delivery

Itinadhana sa Isang Delivery

Matagal na panahon na ang nakakaraan, isa pa lang akong delivery boy noon. Isang araw, nakatanggap ako ng order para magdeliver ng adult toys. Noong pumasok ako sa hotel room, nakita ko ang isang magandang babae na nakaluhod sa kama habang nakatalikod sa akin. Nakasuot lang siya ng isang thong. Noong sandaling iyon, nakatanggap ako ng mensahe sa delivery app. “Gamitin mo ang mga laruan para masarapan siya. Kapag ginalingan mo, bibigyan kita ng isang daang libong dolyar."
Maikling Kwento · Kilig
763 viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
STEEL, MY LOVE...

STEEL, MY LOVE...

TALACHUCHI
Si Steel Reynandez ay kilala bilang ang MVP ng Miamiranda University. He was adored by many, not only because of his skills under the basketball ring, but also because of who he was. Maraming mga babae ang nagkakagusto rito dahil sa pagiging misteryoso nito. He was quiet, cold, and had no interest in women. He was basically an introvert who happened to be a skilled basketball player. Kung wala ito sa ilalim ng ring ay nagtatago ito sa madilim nitong silid. But that would soon change. Thanks to Kennary. Si Kennary ay anak ng labandera ng pamilya ni Steel, at malaki ang pagkakagusto nito sa binata. She was a top 1 student in her class and had big dreams for the future. Nagkaroon ito ng pagkakataong makuha ang cellphone number ni Steel dahilan kaya nagagawa nitong padalhan ng mga mensahe ang binata na noong una'y ikinapipikon pa nito. But eventually, Steel would get used to Kennary's existence and they would become regular text mates. Napansin ng ama ni Steel ang malaking pagbabago ng karakter ng binata, at noong nalaman nitong si Ken-Ken ang dahilan ay ni-kombinsi nito ang dalagang tanggapin ang part-time job bilang personal assistant ni Steel. In return, Steel's father would finance her college education. Ito na ba ang pagkakataon ni Kennary upang maging malapit sa iniirog? Mapapaamo ba nito at mapalalambot ang matigas na puso ng binata? And... would she and Steel go beyond text mates?
YA/TEEN
942 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Noong Gumuho Ang Lahat

Noong Gumuho Ang Lahat

Anibersaryo ng kasal namin nang mag-post ang high school sweetheart ng asawa ko ng sonogram picture sa kanyang social media, na may caption na public thank-you sa asawa ko: [Salamat sa lalaking nandiyan para sa akin sa loob ng sampung taon, at sa pagbibigay sa akin ng anak.] Umikot ang kwarto, at namuo ang galit sa akin habang mabilis akong nagkomento: [So, proud ka sa pagiging homewrecker?] Halos kaagad, tumawag ang asawa ko, puno ng galit ang boses. "Paano mo nagawa na mag isip ng nakakasuklam na bagay? Ang ginawa ko lang ay tulungan siya sa IVF, natupad ang pangarap niyang maging single mom.” "At oo nga pala, kailangan lang ni Ruby ng isang subok para mabuntis, habang ikaw ay may tatlong round ng walang resulta. Walang kwenta ang katawan mo!" Tatlong araw lang ang nakalipas, sinabi niya sa akin na pupunta siya sa ibang bansa para sa negosyo—hindi pinapansin ang aking mga tawag at mensahe sa buong panahon. Akala ko busy lang siya. Gayunpaman, sa huli ay kasama niya pala si Ruby, dumadalo sa prenatal checkup nito. Makalipas ang kalahating oras, muling nag-post si Ruby, na ipinakita ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain. [Nagsawa ako sa French food, kaya ginawa ni Ash ang lahat ng paborito kong pagkain. The best talaga siya!] Napatitig ako sa pregnancy test sa kamay ko, ang saya na naramdaman ko kanina, ngayon ay tuluyan ng nawala. Matapos ang walong taong pag-ibig at anim na taon ng paglunok ng aking pride para lang manatiling buhay ang kasal, sa wakas ay handa na akong bumitaw.
Maikling Kwento · Romance
1.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Abo ng Pagtataksil

Abo ng Pagtataksil

Sa kaarawan ng anak ko, ang asawa ko ay hiniling sa kanyang first love na sunduin ang anak namin sa bahay. Noong nagpupumilit akong tumanggi na payagan siyang umalis, nagkaroon ng malaking sunog sa hallway habang nag-aaway kami. Tinamaan ako ng mga bumabagsak na piraso ng nasusunog na kahoy, at nagsimulang tumulo ang dugo mula sa ulo ko. Pero, ang anak ko ay ligtas habang nakahiga sa ilalim ko. Ang asawa ko, na bumbero, ay iniligtas kami. Pero ang binigyan niya ang nag-iisang gas mask sa kanyang first love. “Mahina ang pangangatawan ni Miss Leia. Ama, pakiusap ilabas mo muna siya. Ma, hintayin mo na iligtas ka ng ibang mga bumbero!” Pinanood ko silang umalis habang nakangiti ako ng ng mapait. Mukhang pareho na nilang nakalimutan na may matinding asthma ako at ang katotohanang mamamatay ako dahil wala akong gas mask.
Maikling Kwento · Romance
487 viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Pagkatapos ng Autopsy, Bumalik Ang Patay Na Kapatid Ko

Pagkatapos ng Autopsy, Bumalik Ang Patay Na Kapatid Ko

Nang dumating ang college admission notice, bigla akong nagkaroon ng mataas na lagnat at napilitan akong manatili sa kama. Ang aking kapatid na babae ay sangkot sa isang kidnapping habang nasa daan upang tulungan akong kunin ang notice, at ang kanyang buhay ay hindi tiyak. Galit na galit sa akin ang mga magulang ko. Matapos punitin ang aking admission notice, pinilit nila akong talikuran ang aking pag-aaral at magtrabaho sa isang pabrika. Nang maglaon, nakaranas din ako ng kidnapping. Pagkatapos makatakas, nagtago ako sa isang abandonadong pabrika at nagpadala ng mensahe para sa tulong. Tinawagan ako ng tatay ko at walang pigil na sinigawan ako, “Lena, tao ka ba? Paano mo nagawang magbiro sa amin sa memorial day ni Jessica!” "May ideya ka ba kung gaano namin hinihiling ng nanay mo na ikaw ang namatay noon?" Sa mga huling sandali ko bago mamatay, umalingawngaw sa aking pandinig ang kanilang mga pang-iinsulto. Ako ay tinorture at pinatay, naging isang halimaw, at ang aking katawan ay itinapon sa isang mabahong kanal sa loob ng tatlong buong araw. Kahit na ang aking ama, ang pinaka experienced na forensic expert, ay hindi ako nakilala. Nang umuwi ang aking kapatid na babae kasama ang lalaking kasama niya ilang taon na ang nakalilipas, pinanumbalik ng aking ama ang aking hitsura sa pamamagitan ng teknolohiya. Lumuhod sila sa harapan ng naaagnas kong bangkay at umiyak hanggang sa mawalan ng malay.
Maikling Kwento · Romance
535 viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Reincarnation: Muli Tayong Nagkita

Ang aking asawa ay isang air traffic controller. Sa aming mga nakaraang buhay, ang aking anak na babae ay inatake sa puso nang ang flight na aming sinasakyan ay humarap sa isang bagyo. Nakipag-ugnayan ako sa aking asawa sa control tower para maghanda ng priority landing. Kasabay nito, bumagsak ang kabilang flight na sinasakyan ng soul mate ng asawa ko matapos tamaan ng kidlat. Ang aking asawa ay kumilos nang normal pagkatapos ng insidenteng iyon. Gayunpaman, nang maglaon sa kaarawan ng aking anak na babae, ikinulong niya ang aking anak na babae at ako sa bahay, at kami ay sinunog hanggang sa mamatay. "Kung hindi ka nagrequest ng priority landing, hindi sana bumagsak ang flight ni Kelly! Sa tingin ko ay wala namang problema sa anak mong babae. Ginawwa mo lang yun dahil sa selos mo para kay Kelly, ikaw ang rason ng pagkamatay ng ilang daang mga inosenteng buhay.” Ang aking anak na babae at ako ay hindi nakatakas, kami ay namatay nang kakila-kilabot. Sa susunod na pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa araw na ang aking anak na babae ay inaatake muli sa puso. Sa pagkakataong ito, tuluyan nang nadiskonekta ng asawa ko ang tawag ko sa control tower. Gayunpaman, nang malaman niyang namatay ang aming anak na babae dahil sa atake sa puso, nabaliw siya.
Read
Idagdag sa library
Mamamatay in Three, Two, One

Mamamatay in Three, Two, One

Lagi akong ikinukunsidera ng pamilya ko na tagapagdala ng kamalasan. Dahil ito sa nakikita ko ang countdown bago mamatay ang mga kamag-anak ko. Sinabi ko sa kanila kung kailan mamamatay si lolo, ama, at ina. Nagkakatotoo ito dahil sa iba’t ibang mga aksidente. Ang tatlong mga kapatid ko ay kinamumuhian ako mula sa kaibuturan nila dahil sa tingin nila isinumpa ko ang mga magulang ko at lolo. Ang nanay ko ay namatay matapos iluwal ang nakababata kong kapatid na babae, pero ang mga kapatid ko ay walang tigil siyang iniispoil. Sinasabi nila na siya ang suwerte nila dahil nagiging okay ang lahat para sa pamilya sa oras na iluwal siya. Pero hindi ba’t namatay si Ina noong iniluwal siya? Sa ika-18th kong kaarawan, nakikita ko ang death countdown kapag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Bumili ako ng urn at naghanda ng pagkain. Gusto ko kumain ng huling beses kasama ang mga kapatid ko, pero walang nagpakita sa kanila noong nag zero na ang timer...
Read
Idagdag sa library
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status