Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MGA TINIK SA KAMA

MGA TINIK SA KAMA

Walang perpektong pamilya, alam ko iyon. Away-bati. Tampuhan. Pagtatalo. Normal na tagpo ang mga iyon sa tahanan ng sinumang mag-asawa. Wala kaming ipinagkaiba ni Gavin pero kampante ako sa pagmamahal na ibinibigay ng asawa ko. Naniniwala akong sa kabila ng kawalan namin ng anak ay sa akin pa rin siya laging umuuwi. Ako pa rin ang nagmamay-ari ng mga salitang hangad na marinig ng karamihan sa mga babaeng nangangarap ng matinong kabiyak. Pero ang lahat ng bagay ay kumukupas nga ba pati ang pagmamahal? Sa araw ng wedding anniversary naming ay ginimbal ako ng kataksilan ng asawa ko. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako ang ginulat niya sa annulment paper na nilapag niya para pirmahan ko. Bumagsak ang aking mundo at sa sobrang desperasyon ay naisip kong magpakamatay. Pero imbis na magawa ang gusto ay natagpuan ko ang sariling pinipigilan ang lalaking nakasampa rin sa railing ng tulay at gusto ring tumalon tulad ko. Sa pagtatagpo naming dalawa, umusbong ang damdaming kinatatakutan ko na kung ang bilyonaryong kapitan ay handa akong samahang mahiga kahit sa mga tinik sa kama?
Romance
109.4K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
IKAW SA AKING MGA KAMAY

IKAW SA AKING MGA KAMAY

CATALEYA DOMINGO, nakasumpong ng pagpapanibagong buhay sa mala-paraisong bayan ng El Nido sa Palawan. May stable job siya bilang isang secretary at isang lihim na online romance writer. Kinalimutan na niya ang mga hindi magandang nangyari sa buhay niya noong nasa Manila pa siya. Kung may isang bagay siyang hinihiling sa kasalukuyan, iyon ay magkaroon ng mapagmahal na asawa at sariling pamilya. LUKAS ADRIATICO, isang mayamang binata na galing sa prominenteng pamilya. May nakatanim na galit sa puso niya dahil nahuli niya ang asawa na pinagtataksilan siya bago namatay sa isang car accident. Naging woman hater siya at ang tingin niya sa mga kalahi ni Eva ay isang laruan lang. Takot siyang magmahal muli dahil baka lolokohin na naman siya. Tanging pangarap niya ang mapamahalaan ang kanilang malaking kompanya. Walang kamalay-malay si Lukas na siya ang ginawang character peg ni Cataleya sa sinusulat nitong romance novel. Parang naglalaro ang tadhana, na sa pagkamatay ng boss niya, ang binata naman ang magiging boss ng dalagang secretary. Sa kabila ng pagiging hostile na boss ni Lukas kay Cataleya, magkakalapit pa rin ang mga loob nila. Ngunit may isang malaking kasinungalingan sa nakaraan ang nag-uugnay pala sa kanilang dalawa.
Romance
1013.3K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Ang mga magulang ko, ang pinakamayaman na magkasintahan sa bansa, ay sikat na mga pilantropo. Kailangan ko hingin ang permiso nila kung kailangan ko gumastos ng higit pa sa limang dolyar. Sa araw na nadiagnose ako ng terminal cancer, humingi ako ng 100 dolyar, pero sa halip na tulungan ako, sinigawan nila ako ng tatlong oras. “Anong klaseng sakit ang makukuha mo sa edad mo? Kung hihingi ka lang ng pera, galingan mo naman sa palusot mo.” “Alam mo ba na ang 100 dolyar ay kayang suportahan ang mga bata sa naghihirap na mga lugar ng matagal na panahon? Mas may sense pa kausap ang kapatid mo kaysa sa iyo.” Kinaladkad ko ang katawan ko na may sakit pabalik sa maliit na basement. Pero noong dumaan ako sa mall, nakita ko ang mga magulang ko, live sa malaking screen, gumagastos ng malaking yaman para lang rentahan ang Disneyland para sa kapatid ko. Ang isang daang dolyar ay hindi sapat para sa isang round ng chemotherapy. Gusto ko lang bumili ng bagong damit at lisanin ang mundo ng may dignidad.
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Sa Ngalan Ng Pag-ibig

Sa Ngalan Ng Pag-ibig

Si Ayumi ay isang mabuting anak, na gusto lang ng simpleng buhay, kasama ang kaniyang pamilya. Kaya mas lalo niya itong itaguyod sa pamamaraan ng mabuting hangarin, dahil para sa kaniya ang pamilya niya lang ang nagpapalakas ng kaniyang loob para mas lalo siyang maging matapang. Hanggang sa makilala niya si Chester Perez, na makakapagbago ng kaniyang buhay. Si Chester, na gagawin ang lahat upang siya'y 'di mapahamak, sa masasamang hangarin lamang ang alam. Para kay Ayumi ay ipaglalaban niya ang kaniyang mahahalaga sa kaniya, ay wala ng iba do'n kundi ang taong nagpapatibok sa kaniyang puso. Dahil wala na itong mahihiling pa. Ginawa nila ang tama upang wala silang matapakang tao, subalit hindi mawala sa buhay nila ang isang babaeng walang Ibang ginawa kundi guluhin ang kanilang buhay walang iba kundi ang ex-girlfriend ni Chester na si Chloe, para sa kaniya ay babawiin niya ang dapat kaniya. Bilang si Chloe ay kukunin niya ang lahat kay Ayumi at pahirapan siya hanggat 'di niya hinihiwalayan si Chester. Kahit masama ang kaniyang hangarin, alam naman niya sa kaniyang sarili ay makuha lang ito. Ginawa ni Chester ang mas makakabuti, upang hindi madamay ang taong mahal niya. Kahit masakit para sa kaniya ang pakikipag-sundo para sa kinamumuhian niya, malayo lang si Ayumi sa masasamang balak nila. Ipinaglaban nila ang isat-isa, at 'di sila bumitaw sa lahat ng pagsubok sa kanilang hinarap. At naging challenge para sa kanilang lahat ang mga nangyari, lalo na para kay Ayumi at kasabay ng pagtaguyod ng kaniyang pamilya.
Romance
106.0K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Sa Mga Bisig ni Georgel Kien Juanillo

Sa Mga Bisig ni Georgel Kien Juanillo

DBardz
Baliw na baliw si Larsen Cleo sa kanyang ex-boyfriend na si Wil— na gagawin niya ang lahat para mapaibig ulit ito. She even used Georgel Kien, the well-known CEO of Juanillo Corporation that is one of the biggest corporations in the country. Ginamit siya ni Cleo sa pag-aakala na magseselos ang dating nobyo at sakaling balikan siya nito.  But things make it worse.  After successfully getting back together with Wil, her heart is nowhere to be found. She seems uninterested towards Wil anymore and something was missing from her the day Kien and her decided to end the fake boyfriend thing. Afterwards, Cleo realized that she loves Georgel Kien now, not her ex boyfriend.  How can she make him fall in love if Kien is about to marry someone? Huli na ba ang lahat para sa kanila? 
Romance
103.8K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Dinala Ako ng Pag-ibig sa Kamatayan

Dinala Ako ng Pag-ibig sa Kamatayan

Nakulong sa elevator sa loob ng kalahating oras ang kababata ng asawa ko. Sa galit niya, ipinasok niya ako sa loob ng isang maleta at ikinulong ako sa loob. “Doble ang pagbabayaran mo sa lahat ng pagdurusang pinagdaanan ni Grace.” Napilitang mamaluktot ang katawan ko. Nahirapan akong huminga. Umiyak ako habang humihingi ng tawad, pero ang napala ko lang ay ang malamig na tugon ng asawa ko. “Pagdaraanan mo ang buong parusang ‘to. Kapag natutunan mo na ang leksyon mo, magtatanda ka na.” Pagkatapos ay kinandado niya ang maleta sa aparador. Sumigaw ako sa desperasyon at nagpumiglas para makawala. Tumagos ang dugo ko sa maleta at bumaha ang sahig. Makalipas ang limang araw, naawa siya sa akin at nagpasyang wakasan ang parusa. “Hayaan mong maging babala sa’yo ang parusang ‘to. Sa pagkakataong ito, pakakawalan na kita.” Hindi niya alam na inaagnas na ang katawan ko sa loob ng maleta.
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera

Teacher Dahlia: Ang Pagsasanay Sa Pag-ibig at Giyera

"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." --- Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang teacher Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniyang ama sa nakaraan. *** Nagtuturo sa isang paaralang elementarya si Dahlia Perez. Baguhan lamang siya sa isang lungsod. Dahil nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, kinuha niyang trabaho ang maging isang guro. Ngunit sa halip na ang kaniyang propesyon ang kaniyang isinaalang-alang ay iba ang sadya niya sa pamamagitan nito.
Mafia
101.2K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY

NAHANAP KO ANG PAG-IBIG SA BISIG NG AKING KAAWAY

Paano kung ang babaeng anak ng taong pumatay sa iyong pamilya ay ang babaeng pinakamamahal mo? Handa mo bang isakripisyo ang pag-ibig mo kapalit ng iyong paghihiganti?
Romance
1033.1K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Presyo ng Mga Akala

Presyo ng Mga Akala

Tinatawag ako ng kapatid kong lalaki bilang kanyang prinsesa at nagpapadala sa’kin ng perang pangbaon; nagkakamali ng intindi ang kanyang mapapangasawa at iniisip nito na lihim niya akong nobya. Susugurin ng babae ang tirahan ko, na maayos kong pinalamutian, kasama ang grupo ng mga kamag-anak at kaibigan. “Hindi ako makapaniwalang lihim na nobya ka ng iba’t ngayong napakabata mo pa! Tuturuan kita ng leksyon sa ngalan ng mga magulang mo! Ikakalat ko online ang imoral ninyong relasyon para malaman ng mga guro at kaklase mo kung gaano ka kawalang-hiya!” Kinalat nila ang tirahan ko at pinunit ang mga damit ko. Pagkatapos, sinigurado nilang nakunan ang ID ko sa eksena habang nire-record nila ang pang-aapi sa akin. Nagmamadaling pumunta ang kapatid kong lalaki, namumula sa galit ang kanyang mga mata. “Nasiraan na ba kayo ng bait? Ang lakas ng loob ninyong apihin ang kapatid ko!”
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Mapagalarong Pag - ibig

Mapagalarong Pag - ibig

Matapos mamatay ang kanyang asawa, isinubsob ni Lovely Ramirez, isang matagumpay ngunit malamig na negosyante, ang sarili sa trabaho. Sa kabila ng kayamanan at kapangyarihan, nananatiling hungkag ang kanyang puso—tila ba nakalimutan na niya kung paano muling magmahal at maging masaya. Samantala, ang kanyang matalik na kaibigang si Annica, isang mapangahas, mapaglaro, at mapusok na babae, ay naniniwalang ang buhay ay dapat tinatamasa—lalo na pagdating sa pag-ibig at kaligayahan. Para sa kanya, ang sikreto ng kabataan at sigla ay simple: pag-ibig, lalaki, at walang pagsisising pagnanasa. Sa hangaring gisingin muli ang natutulog na damdamin ni Lovely, hihilahin siya ni Annica sa isang mundong puno ng tukso, aliw, at mga lalaking maaaring magpabago sa takbo ng kanyang buhay. Ngunit sa gitna ng mapaglarong laro ng pag-ibig, isang lalaking hindi inaasahan ang sisira sa mga pader na matagal nang itinayo ni Lovely—isang lalaking kayang magpabalik ng sakit, alaala, at higit sa lahat… pag-asa. Sa larong ito ng damdamin at pagnanasa, sino ang mauunang matalo? Sino ang mauunang umibig? At hanggang saan handang sumugal ang isang pusong matagal nang nagsara? Isang kuwento ng pagtuklas sa sarili, muling pag-ibig, at mapanganib na mga desisyon—dahil sa mundong ito, hindi lahat ng laro ay panalo… ngunit minsan, ang pinakamapanganib na pustahan ang nagdadala ng tunay na kaligayahan.
Romance
340 VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Dernier
123456
...
50
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status