Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG)
Perpekto na sana ang buhay ni Aria bilang tagapagmana ng isang mayamang angkan at mapapangasawa bilyonaryong at future Mayor na si Paulo Santillanes. Ngunit sumabog ang isang madilim na lihim: hindi siya ang tunay na anak.
Pinalayas, inalisan ng yaman, at pilit inilalayo kay Paulo. Ipinaglaban nila ang isa't isa, ngunit isang sinadyang aksidente ang tuluyang naghiwalay sa kanila. Inakala ng lahat na patay na si Aria.
Makalipas ang tatlong taon, muling nagkrus ang landas nila. Si Paulo ay isa nang malamig, walang-awa, at kinatatakutang Alkalde. Samantala, si Aria ay nabubuhay na bilang si "Melissa"—isang mahirap na dalagang walang alaala sa nakaraan at may ibang lalaking nagpoprotekta.
Hindi man siya makilala ni Melissa, hinding-hindi makakalimutan ng katawan ni Paulo ang nag-iisang babaeng pag-aari niya. Dahil sa matinding selos at obsesyon, gagamitin ng Alkalde ang lahat ng kanyang kapangyarihan at yaman para ibaon sa utang ang pamilya ni Melissa at ikulong ang dalaga sa kanyang mansyon.
Wala siyang pakialam kung limot na nito ang nakaraan. Aariin niya ito gabi-gabi, hanggang sa ang mismong katawan ni Melissa ang makaalala kung sino ang nag-iisang lalaking nagmamay-ari sa kanya. Hanggang langit.