The Sweet Revenge
Nagsimula nang maging emosyonal si Lynx ng mga oras na iyon.
"Lynx, alam kong nasaksaktan ka at nasasaktan din ako. Ayoko lang na madamay ka pa sa gulong papasukan ko. At tama ka, na may malalim na dahilan kung bakit ako magpa-plastic surgery. Alam mo ba kung bakit ha? Dahil gusto kong maghiganti sa ex-fiance at ex best friend ko. Gusto kog magdusa sila katulad nang padurusa ko noon dahil sobrang hirap, sakit at pagod ang dinanas ko sa kanila. At pagbabago lamang ng mukha ang naiisip kong paraan para makaganti sa kanila. Matagal na panahon kong itong pinaghandaan at ayokong may hahadlang sa plano ko. So, please respitohin mo na lang ang desisyon ko Lynx."
인기 회차