The Spoiled Wife of Attorney Dankworth
“Hayaan niyo na po muna siya, Mom. Hindi ka pa rin ba nasanay sa ugali niya?”
Hindi na pinansin ng Ginang ang ibang sinabi ng kakambal ni Fourth. Alam niyang hindi ito magsisinungaling sa kanya. Subalit, bilang ina alam niyang parang may mali na yata sa anak dahil dati naman kahit anong busy nito ay nagkakaroon pa rin ito ng panahon na kausapin siya. Tawagan siya kapag nakita nitong may missedcalls. Imposible na hindi iyon makita ni Fourth, hindi nito ugali ang hindi mamansin. Kailangan niyang malaman ang tunay nitong sitwasyon at nais niya rin na makita ng mga mata kung okay lang ba ang isa sa kanyang mga anak. Kaya siya naroon dahil minabuti na lang niyang sadyain ang tirahan ng anak. Hin
인기 회차