CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD
Hindi na basta-basta.
Ayaw niyang maudlot ang kasal nila ni Feng. Kung mangyari iyon, wala siyang ideya kung saan siya pupulutin. Ilang ulit na rin siyang pinagsabihan ng kanyang ama na kapag hindi natuloy ang kasal nila ni Feng, siguradong itatapon siya nito sa kangkongan. Sa lugar kung saan walang maid, maraming lamok, at kung saan magiging isa na lamang siyang ordinaryong tao, na walang makakapitan. Ayaw niyang mangyari iyon, ayaw niyang maranasan ang buhay na walang pribilehiyo at walang lugar sa mundo ng mga may kapangyarihan.
Napalingon naman si Fourth kay Caramel na kapapasok pa lamang ng opisina. Lumapit ito sa mesa niya at inilapag ang tinimpla nitong kape.