Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Evenfall

The Evenfall

Nabulag si Czarina sa isang malagim na aksidente. Dahil dito ay lumayo ang loob n'ya sa lahat. Ang dating masiyahin at palatawang si Czarina ay naging tahimik at mailap. Imbes na mawalan ng pag-asa ay hindi siya sumuko at nilabanan ang hamon ng buhay, kasama ng mga magulang na sumusuporta sa kanya. Pinangako rin n'ya sa sarili na kapag nakakita ay hahanapin ang taong sangkot kung bakit siya bulag ngayon. Subalit ang tila kuntento na niyang buhay ay napalitan ng sakit at dalamhati nang sabay na mamatay ang mga magulang sa parehong aksidente. Czarina was left alone in the dark. Tila binagsakan siya ng langit at lupa dahil sa pangyayaring iyon. Hindi rin n'ya alam kung paano magsisimula muli. Ngunit isang araw ay nagpakilala sa kanya si Attorney. Mauricio De Cardenas. Siya raw ang pinagkakatiwalaan ng kaniyang Ama. Pati na rin sa mga naiwan nitong ari-arian. Kaya ganoon na lamang ang pagdududa n'ya sa taong ito, lalo pa't ibinilin siya dito ng kaniyang Ama bilang maging legal guardian n'ya. Labag man sa loob ang naging desisyon ng Ama ay wala siyang nagawa. Hindi man magkasundo at parang aso't pusa ay tila nakadikit na sa kanya ang amoy nito. He always make her feel uncomfortable whenever he's around. Her heart was unexpectedly thumping hard against her chest everytime she hears his soft voice and smell his sweet scent. How can Czarina resist his charm. Kung sa umpisa palang ay binihag na nito ang natutulog niyang puso? Paano kung sa pagbabalik ng kaniyang paningin ay tumambad sa kanya ang isang katotohang si Mauricio ang dahilan kung bakit siya nabulag? Kaya ba niyang tanggapin ang sakit at kalimutan ang pangakong paghihiganti para sa tinatawag na pag-ibig?
Romance
1032.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Dad's Hot Best Friend (Filipino)

My Dad's Hot Best Friend (Filipino)

May lihim na pagtingin si Arianne sa best friend ng daddy Henry niya na si Josh kaya nang malaman niya na iiwan muna siya dito ng tatlong linggo ay walang pag-aalinlangan na pumayag siya kaagad para makasama ito. Aware naman siya na may girlfriend ito ngunit ang makasama lang niya ito ay masaya na siya. Kasama ni Josh na nakatira sa bahay niya ang girlfriend na si Lira. Maayos naman ang pakiktungo nito sa kanya. She's working as a fashion designer. Palagi itong wala kaya madalas na silang dalawa lang ng best friend ng dad niya ang magkasama. Isang gabi ay umuwi na nakainom ng alak si Josh. Nagkamali ito ng kuwarto na pinasukan. Imbis na sa kuwarto nilang dalawa ng girlfriend niya ay sa kuwarto kung nasaan si Arianne ito nakapasok. Akala niya ay ang girlfriend niya ang nakahiga doon ngunit hindi pala. Nakainom rin si Arianne dahil dumalo ito sa birthday party ng isa niyang kaibigan kaya humiga kaagad ito pagkapasok sa kuwarto kung saan siya natutulog habang nandoon sa bahay ni Josh. Bigla na lang niya naimulat ang kanyang mga mata dahil naramdaman niya na may malaki at matipunong katawan na pumatong sa ibabaw niya. Hubo't hubad ito. Her eyes got bigger when she saw who it was—Josh. Itutulak sana niya ito ngunit malakas ito kaya wala siyang nagawa. Nagustuhan naman nga niya ang ginagawa nito sa kanya hanggang sa may nangyari sa kanilang dalawa. Parehas silang dalawa nabigla kinabukasan sa nangyari. They found themselves naked lying on the bed. Ano ang gagawin nila? Paalisin kaya siya ni Josh sa bahay nito dahil sa nangyaring 'yon o hindi? Paano na ang girlfriend niya? Will it be the end of their relationship and the beginning of his fantasies with Arianne the woman he desires for so long?
Romance
1031.4K viewsOngoing
Read
Add to library
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
104.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status