Lahid
Pero hindi ito babae, alam ni Andracio ito, dahil ang kapatirang La Indio Independencia ay walang lugar para gawing kasapi ang mga babae.
"Magandang gabi mga ginoo," pagbati ng ginoo na kapatid ng Tubong Ilokano sa lahat bilang panimulang sabi. May tinig itong matikas ngunit may kalaliman ang timbre. "Una sa lahat, bilang nasa lugar ng aking kapatid, nais ko sanang humingi ng kapatawaran sa buong kapatirang ito para sa kanya. Alam naman ni Damian na mapanganib ang kanyang ginawang paghimagsik noon, para sa kanyang sarili at para sa La Indio Independencia. Ngunit, hindi na niya nakaya pa ang hayaan na lang ang mga iyak at hinaing ng kanyang mga nagdudurusang nasasakupan kaya umabot siya sa pu
Hot Chapters