Diary Ng XXX Celebrity
Dear Diary,
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano, diary. Kaninang tanghali, nagpunta ako ng computer shop. Hindi ko kasi nahiram ang laptop ng kaibigan ko, ginagamit daw kasi ng pinsan naman niya, kaya ang ending ay sa computer shop ako pumunta. Sakto naman na walang tao nung pumunta ako, may pasok ang mga bata, pero may iilan pa rin na naglalaro ng games, pero malayo sa akin, sa dulo kasi ako pumuwesto para walang makakita. Aba, XXX website kasi ang o-open ko kaya baka isipin nila na nanunuod ako ng böld. Hindi nila alam, böld star na rin talaga ako.