The Contract Agreement Between Mr. Ross
"Pagnanakaw? Maling salita ang ginagamit mo, Mrs. Ross. Ang tinatawag mo na pagnanakaw ay isa lamang pagbawi sa kung ano ang nararapat sa mga matagal nang nagpapagal para sa Ross Holdings. Ang asawa mong si Alexander ay masyadong naging matigas ang ulo, pinapatakbo ang imperyong ito na parang sarili niyang kaharian nang walang pakialam sa mga taong tumulong para itayo ito."
"At sa tingin mo, sa pamamagitan ng paglikom ng pekeng kumpanya at pag-alis ng tatlumpung milyon piso ay masosolusyunan mo ang hinanakit mo?" tanong ko, ang boses ko ay matatag at tumatagos sa bawat sulok ng silid. "Ginagamit mo ang posisyon mo para sirain an