Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy

Walang muwang na dumalo si Klaire Limson sa isang bachelorette party kasama ang kanyang stepsister at mga kaibigan; isang huling gabi ng saya bago siya tuluyang magpakasal sa kanyang nobyo. Ngunit ang dapat sanang maging masayang alaala ay nauwi sa isang pagkakamaling hindi niya inaasahan. Nagising na lamang siya sa isang hotel room, wala ni anino ng alaala kung paano siya nakarating doon—at higit sa lahat, kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Mabilis siyang tumakas, umaasang maililigtas pa ang lahat. Pero huli na ang lahat. Pagsapit niya sa kanilang tahanan, naghihintay na ang galit ng kanyang ama. Kanselado ang kasal. Tinakwil siya ng pamilya. At ang dating hinaharap na puno ng pangarap... tuluyan nang naglaho, lalo pa’t dumating ang isang hindi inaasahang souvenir nang gabing ‘yon. Buntis siya… Sa hindi inaasahang pangyayari, nakilala ni Klaire ang lalaking nakasama niya nang gabing ‘yon. Walang iba kung hindi ang Tito ng kanyang ex-fiancee. Si Rage De Silva. Ano na lang ang gagawin niya kung ninanais nitong panagutan ang batang nasa sinapupunan niya? Paano kung ang lalaking kinamumuhian niya ay yayain siyang magpakasal?
Romance
9.8686.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Romance
1032.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Like A Gun

Love Like A Gun

Blackmon Apprentice
"Ang tanga mo dahil minahal mo ang kaaway mo!" - Mina "Yes, I'm stupid! However... I'll never regret it because I love her. This love is too risky as I let someone pointing a loaded gun into my heart and hoping she won't pull the trigger." - Cooper Si Claire Mina ay isang espiya na inupahan ng Amethyst Company upang tiktikan ang kaaway, ang Yu Company. Una ay tumanggi siya dahil sa mga panganib sa misyon ngunit binantaan siya ng CEO ng Amethyst Company kaya walang magawa kundi ang sumunod. Upang matagumpay na makapasok sa Yu Company, kailangang lapitan ni Claire si Cooper Yu, ang CEO ngunit nabalitaan sa black market na si CEO Copper ang mysterious Mafia Boss na ang libangan ay pumatay. There's no way Claire didn't know that dahil siya ay isang taong lumaki sa black market. Itinaya ni Claire ang kanyang buhay sa misyon na ito pero hindi nagtagumpay at siya ay nahuli.To survive she has to escape but she accidentally made a stupid plan, magpanggap na siya ay nabuntis ng CEO. Gayunpaman, nang walang tamang ebidensiya at interogasyon tungkol sa kanyang tunay na pagkakakilanlan, ang CEO na si Cooper Yu ay handang panagutan ang responsibilidad at gawing asawa niya si Claire. Naloko ba ng kanyang kalokohang plano ang henyo at walang awa na Mafia Boss? Ano ang mangyayari kung malalaman ni Cooper Yu ang intensyon ni Claire? Does Claire make this mission accomplished or be killed?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

Nasa gitna ng pagbabago si John Enriquez mula sa kaniyang pagiging babaero nang biglang dumating sa buhay niya ang babaeng inakala niyang pang habang buhay na. Ngunit nang malaman niya na ang edad pala nito ay kalahati ng edad niya ay agad niya itong nilayuan. Si Leila Mercedez, isang babaeng may malaking pangarap sa mundo ng pag-arte. Gumuho ang matayog niyang pangarap matapos niyang malaman na siya pala ay nagdadalang tao. Nabuntis siya ng lalaking naka-one night stand niya. Ang lalaking inabandona siya matapos na gamitin. Dahil masyado pang bata si Leila at hindi siya pwedeng umuwi sa kanila, hinanap niya ang lalaking naka-disgrasya sa kaniya. Halos magmakaawa siya rito na panagutan ang dinadala niya. Tiniis ni Leila ang lahat ng pagtataboy ni John sa kaniya alang-alang na lang sa batang dinadala niya. Minahal niya ito sa kabila ng pagiging malupit nito sa kaniya. Nagsama sila sa iisang bahay para lang sa bata. Hanggang isang araw ay natutunan ni Leila na mahalin ang sarili niya. Nagsumikap siya na makamit ang pangarap niya at tinanggap na anak lang niya ang kayang mahalin ni John at hinding-hindi mangyayari na makakamit niya ang pagmamahal nito. Paano kung kailan nakahanap si Leila ng bagong pag-ibig ay saka naman niya malalaman na mahal pala siya ni John? Ano ang gagawin ni John para mabawi si Leila? Ang anak ba nila ang magbubuklod sa kanilang dalawa?
Romance
9.9105.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Marriage for Convenience

Marriage for Convenience

Misa_Crayola
Si Kristine ay masunuring anak at hindi mahilig makipagtalo sa kahit na sino. Maraming pumupuri sa kanya dahil sa kanyang magaling na pakikisama, kaya malaking tanong para sa kanya kung bakit hinayaan ng Diyos na mangyari sa kanya ang kanyang mga pinagdaanan? Ang second year anniversary nila ng two years boyfriend at planong pagbibigay ng sarili rito dahil sigurado na siyang ito ang lalaking gusto niyang maging asawa ay nauwi sa isang malaking eskandalo. Ang lalaking namulatan niya sa kama ay isang guwapong C.E.O. ng isang steel fabrication at inaakala naman nitong isa siyang prostitute na inarkila nito. Mabilis ding kumalat ang scandal nila na hindi rin niya alam kung paano nangyari at sino ang may gawa. Dahil doon, pilit siyang pinahihiwalay ng ina ng kanyang boyfriend sa anak nito at pinagbantaan. Maging ang kanyang ama ay galit na galit sa kanya at sinabing hinding-hindi na siya makakatungtong sa pamamahay nila hangga't hindi niya dinadala ang lalaking kasama niya sa scandal at nang araw din na iyon, nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang boyfriend. Nagpakalayo-layo siya dahil sa kahihiyan pero maliit ang mundo dahil ang boss niya pala sa bagong trabaho ay ang mismong nakatabi niya sa kama, at ito rin ang unang nakaalam na buntis siya at ito ang ama. Pinipilit din ng lola nito na panagutan siya o aalisin ito sa kompanya. Kung magiging asawa niya ito matutuwa ang kanyang ama na isang investment ang tingin sa kanya. Magpapakasal lang sila dahil pareho nila iyong kailangan. Para kay Kristine, ang magulang na lamang niya ang mayroon siya, kahit para na lamang sa katuwaan ng mga ito ay magpapatali siya sa lalaking kasama niya sa naganap na bangungot ng buhay niya.
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Bata pa lamang si Sam ay bukambibig na niya na si Vaughn ang lalaking kanyang magiging asawa — na kaibigan ng nakakatanda niyang kapatid. Kahit malaki ang agwat ng kanilang edad at nakakabatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Love pa nga kung tawagin niya ang kaibigan ng kanyang kuya. At very vocal siya sa pagsasabing ang binata ang nais niyang maging kabiyak kapag dumating siya sa tamang edad. Hindi naman nito siniseryoso iyon dahil buong akala nito ay dahil sa kabataan lamang niya kaya nasasabi niya ang mga bagay na iyon. Samantalang ang binata ay may Fiancee sa katauhan ni Yvonne — childhood sweetheart ng binata. Nang malaman iyon ni Sam ay labis nitong ininda ang balitang iyon — hindi kumain ng ilang araw, tumangis nang tumangis sa kanyang silid, napabayaan ang pag-aaral at naging sakitin. Hanggang sa isang araw ay makabuo siya ng plano — ang pikutin si Vaughn. Nagtagumpay naman siya dahil nahuli sila mismo ng kaniyang ama sa maselang tagpo. Kaya hindi ito pumayag na panagutan ang namagitan sa kanilang dalawa. Naikasal naman agad sila at walang pagsidlan ang kasiyahan sa puso ni Sam dahil natupad na nga naman ang pangarap niya ng bata pa — ang maging asawa si Vaughn. Subalit, tila naman ito yelo sa lamig nang pakikitungo sa kanya at kung pagsalitaan siya ng masasakit ay para bang hindi nito kaibigan ang kuya niya. Ang mas malala pa ay kapag nagniniig sila ay pangalan ng nobya nito ang laging sinasambit. Hihiwalayan na ba niya si Vaughn na oo nga at naging asawa niya pero hindi naman niya maangkin ang puso nito? O ipaglalaban pa ang pag-ibig niya kahit laging pinapamukha nitong pinikot niya lamang ang asawa? At ni katiting ay wala itong pagmamahal sa kanya?
Romance
63 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status