분야별
업데이트 중
모두연재 중참여
정렬 기준
모두인기순추천평점업데이트됨
THE CEO'S NAUGHTY WIFE

THE CEO'S NAUGHTY WIFE

Lumaki si Selena sa Isla Portobello, isang misteryosong isla na halos walang alam sa modernong mundo. Nang tumuntong siya sa tamang edad para umalis ng isla, nagpasya siyang hanapin ang nag-iisa niyang kapatid na matagal nang nawawala sa Maynila. Pero sa unang araw pa lang niya sa lungsod, puro gulo na ang nangyari. Muntik na siyang masagasaan, nahuli pang nanghuhuli ng isda sa loob ng aquarium, at hindi sinasadyang nabangga ang pinakaayaw mapahiya na CEO sa buong bansa—si Alexander Sebastian. Dahil sa isang malaking hindi pagkakaintindihan, napilitan si Alexander na ipakilala si Selena bilang girlfriend niya. Kapalit ng pagkain, matitirhan, at tulong sa paghahanap ng kapatid nito, pumayag si Selena sa isang pekeng relasyon na unti-unting gugulo sa tahimik at kontroladong buhay ng CEO. Pero habang natututo si Selena tungkol sa modernong mundo, may mga lihim ding unti-unting lumalabas—tungkol sa Isla Portobello, sa pagkawala ng kanyang kapatid, at sa sakit na pilit itinatago ni Alexander. Hanggang saan aabot ang isang pekeng relasyon kapag unti-unti nang nagiging totoo ang nararamdaman?
57 조회수연재 중서재에 2회 panimula sa talumpati example로 추가됨
보기
+보관함
THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE

Si Merlyn Claveria Santiago, isang 28 taong gulang na OFW sa Dubai, ay kilala sa kanyang sipag at sakripisyo para sa kanyang pamilya. Sa kabila ng hirap ng trabaho at lumbay ng pangungulila, nanatili siyang tapat sa kanyang kasintahang naiwan sa Pilipinas. Ngunit isang araw, ang kanyang mundo’y gumuho nang malaman niyang nabuntis ng kanyang nobyo ang bunsong kapatid na 18 taong gulang lamang. Labis ang sakit ng pagtataksil, lalo na’t itinago ito sa kanyang mga magulang upang hindi maapektuhan ang perang ipinapadala niya buwan-buwan. Sa hinanakit at kawalang pag-asa, iniwan ni Merlyn ang kanyang pamilya at lumayo. Habang naglalakad, napadpad siya sa isang simbahan kung saan nagaganap ang isang kasalan—isang kasalan na nauwi sa eskandalo nang tuklasin ng lalaking ikakasal na pinagtaksilan siya ng kanyang kasintahan. Sa isang di-inaasahang pagkakataon, nilapitan si Merlyn ng ina ng lalaking iniwan sa altar. Isang alok ang binitiwan: pakasalan ang kanyang anak upang mailigtas ang pamilya nila sa kahihiyan. Dahil sa galit sa mundo at pagnanais na makalimot, tinanggap ni Merlyn ang kasunduan. Ngunit ang kanyang pinasok na kasal ay hindi basta-basta. Ang lalaking kanyang pinakasalan ay si Crisanto "Cris" Montereal, isang bilyonaryo na may makapangyarihang impluwensya at mga negosyo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa likod ng kanilang kunwaring pagsasama, unti-unting masusubok ang kanilang damdamin, at mahuhulog sila sa komplikadong laro ng pag-ibig, paghihiganti, at mga lihim na pilit nilang tinatakasan. Makakahanap kaya si Merlyn ng kapayapaan sa piling ng isang lalaking puno ng galit sa pag-ibig? At mapapatawad kaya niya ang mga taong minsang sumira sa kanyang tiwala? O tuluyan siyang magpapatalo sa mga sugat ng kahapon?
1010.8K 조회수참여서재에 292회 panimula sa talumpati example로 추가됨
보기
+보관함
The Cold Hearted Gangsters

The Cold Hearted Gangsters

Sa loob ng labing-pitong taon na pamumuhay lumaking ignorante, walang-muwang sa paligid, isip-bata, at kulang sa kaalamang pantao ang dalagang si Alyana. Ang kagandahang taglay at kainosentihan ng pag-iisip nito ay may nakapaloob na mga misteryo sa kaniyang pagkatao. Pero paano na lang kung sa isang iglap ay makawala siya sa bahay na pinaglulungaan niya? Makakaya niya kaya makipaghalubilo sa ibang tao? Lalo na sa mga GANGSTER na kung saan ay babago sa panibagong pamumuhay niya sa labas ng seldang pinagkulungan niya sa loob ng maraming taon.
1017.0K 조회수참여서재에 613회 panimula sa talumpati example로 추가됨
보기
+보관함
The Don's Vow of Ashes

The Don's Vow of Ashes

Sa ilalim ng katahimikan ng Hacienda Cortez ay nag-aalab ang apoy ng kasalanan at paghihiganti. Matapos ang limang taon ng paglalakbay sa dilim, bumalik si Don Rafael Cortez, ang pinakabatang pinuno ng sindikatong Cortez, upang ipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang kapatid. Ngunit sa kanyang pagbabalik, nakatadhana siyang makaharap ang anak ng kanyang kalaban—Selena Villafranca, ang babaeng may dugo ng kaaway at apoy ng pag-ibig sa kanyang mga mata. Ginawang bihag ni Rafael si Selena bilang kabayaran ng dugo. Ngunit sa bawat gabi ng katahimikan, unti-unting nagbabago ang hangin sa pagitan nila, mula sa galit tungo sa pagnanasa, at mula sa kasalanan tungo sa pagtubos. Sa gitna ng abo ng Hacienda Cortez, kailangan nilang pumili: pag-ibig na magpapalaya o sumpang magtatapos sa kanila.
502 조회수연재 중서재에 11회 panimula sa talumpati example로 추가됨
보기
+보관함
ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

Synopsis Si Luigi Mondragon, isang multi-billionaire at matagumpay na negosyante, ay kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig at sa mga babae. Sa likod ng kanyang marangyang pamumuhay, maraming naiinggit at nagtatangkang pabagsakin siya dahil sa kanyang kasikatan at tagumpay sa iba't ibang bansa. Sa isang gabi ng kasiyahan na iniayos ng kaibigan niya sa isang sikat na bar, hindi inaasahan ni Luigi na magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya nakilala si Leona Suarez, isang babaeng lasing at sugatan ang puso, nag-iisa habang naglalasing sa sakit ng pag-iwan sa kanya ng dating kasintahan—pinagpalit ito sa isang bakla. Kaya balis ito nasaktan dahil sa dina-daming pwede ipalit ay bakla pa. Habang umiiyak at sinisigaw ni Leona ang kanyang galit sa mga lalaki, hindi mapigilan ni Luigi ang mabighani sa kanyang tapang at pagiging totoo. Ngunit sa mundo ni Luigi na puno ng intriga, selos, at mga lihim, magagawa ba niyang makuha ang puso ng babaeng pilit iniiwasan ang pagmamahal? O magiging isa lamang si Leona sa mga nadamay sa mapanganib na laro ni Luigi? Isang kwentong puno ng pighati, galit, at pagmamahalan.
102.2K 조회수연재 중서재에 80회 panimula sa talumpati example로 추가됨
보기
+보관함
Through the Waves of Tomorrow

Through the Waves of Tomorrow

Ririmavianne
Hindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtatagpo, may mabubuo nga bang pag-iibigan kung nagsimula lamang ang lahat sa kasinungalingan? Saksi ang alon sa mga nangyaring karahasan sa nakaraan. Ngunit sa pagsira sa kasulukuyan, anong mangyayari sa bukas na inaasahan? How can a spark of love survive over deep-seated hatred, life-altering decisions, and a desire for vengeance? Sa tabing dagat nagsimula ang lahat, doon nga rin ba magtatapos?
105.0K 조회수연재 중서재에 171회 panimula sa talumpati example로 추가됨
보기
+보관함
The Runaway Billionaire ( Del Valle Series 1)

The Runaway Billionaire ( Del Valle Series 1)

Sa mundo ng mga taong gahaman sa salapi at kayaman, Iniwan ni Miguel ang magulo at marangyang mundo para takasan ang kapalarang itinatakda sa kanya ng kapalaran. Sa kanyang paglayo ay nahanap niya ang babaeng kukumpleto sa hungkad niyang pakiramdam ngunit ang pagmamahal at pagibig nila ay hahadlangan ng mga ganid sa salapi at kapangyarihan at ng masalimuot na katotohanan bubulaga sa kanilang buhay. Si Miguel ang unang tampok sa serye ng mga Del Valle
1010.1K 조회수참여서재에 261회 panimula sa talumpati example로 추가됨
보기
+보관함
Moonlight Serenade

Moonlight Serenade

aranew
Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip. ~~~ Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang. Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang. Hindi lamang ang kanyang mga bisyo ang kailangang itago sa bagong asawa, kundi pati na rin ang kanyang mga sekswal na bangungot. Dahil ang mga malaswang panaginip na iyon ay tila gumagapang palabas sa kanyang pantasya tungo sa totoong mundo... at ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa inisyal niyang hinuha ukol dito.
1025.6K 조회수참여서재에 741회 panimula sa talumpati example로 추가됨
보기
+보관함
PADRE TIAGO

PADRE TIAGO

Si Padre Santiago Baldemor o Tiago ang bagong talagang kura-paroko sa San Sebastian. Kinahuhumalingan siya ng mga tao at kabataan sa bayan dahil sa kanyang kabaitan at pagiging aktibo sa simbahan. Ngunit hindi ito ang kanyang mukha sa kanyang sampung sakristan sapagkat kinatatakutan siya ng mga ito, maliban lamang kay Angelo. Sa tuwing nag-iisa ang sakristan na si Angelo sa presensya ni Padre Tiago, ito naman ang panahon na lumuluhod siya hindi sa altar kundi sa harapan ng kura-paroko. Araw-araw sa ano mang oras, luluhod siya upang sambahin ang katawan ni Padre Tiago. Para kay Angelo, nagsisilbi itong bendisyon sa kanyang uhaw na pagkatao.
9.630.4K 조회수연재 중서재에 607회 panimula sa talumpati example로 추가됨
보기
+보관함
CHASING MR.ARROGANT MAYOR

CHASING MR.ARROGANT MAYOR

Si Mayor Lucas Monteverde ay hindi lamang ang pinuno ng buong Occidental Mindoro. Siya rin ang itinuturing na pinakamakapangyarihan, pinakamayaman, at walang duda, ang pinakamayabang na lalaki sa buong lalawigan. Sa kanyang murang edad, hawak niya ang respeto at takot ng bawat mamamayan. Ang bawat hakbang niya ay tila ba pag-aari niya ang bawat pulgada ng lupa, at ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay inaakalang batas. Malamig, seryoso, at napakahirap pakibaguhan—ito ang larawan ng lalaking para sa lahat ay sadyang napakalayo ang agwat. Lahat ay yumuyuko sa kanya. Lahat ay natatakot sa kanya. At lahat ay naniniwalang walang sinuman ang makapagpapabago sa kanya. Lahat, maliban kay Amara Cruz. Matalino, matapang, at puno ng paninindigan—si Amara ay hindi kailanman umatras sa anumang hamon. Mula sa araw na una niyang nakita ang hindi matitinag na Mayor sa gitna ng isang pampublikong okasyon sa bayan, isang bagay ang kanyang napagdesisyunan: gagawin niyang sa kanya lamang ito. Sinasabi ng lahat na siya ay nawawala sa katinuan. Ipinapayo nila sa kanya na huwag na siyang umasa, dahil ang puso ni Mayor Lucas ay tila gawa sa bato. Sinasabi nilang walang puwang ang isang katulad niya sa mundo ng lalaking iyon, at ang paghabol niya ay magdudulot lamang ng kahihiyan sa kanyang sarili. Ngunit hindi nakikinig si Amara. Hindi siya natitinag. Sinusundan niya ang Mayor saanman ito magpunta—mula sa munisipyo, mga proyekto sa kabundukan, mga pagtitipon, hanggang sa mga lugar na akala nito ay ligtas na siya sa abala. Ginagamit niya ang bawat pagkakataon upang kausapin ito, hanggang sa umabot sa puntong sinusubok na niya ang pasensya ng lalaki. Tinatawag niya itong "Aking Mayor" sa paraang nakakagalit dito, habang ang tanging isinasukli naman nito ay mga malamig na tingin, matatalim na salita, at walang humpay na pagtanggi.
266 조회수참여서재에 6회 panimula sa talumpati example로 추가됨
보기
+보관함
이전
1
...
89101112
...
50
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status