CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)
Kahit na alam niyang nag-aalala sa kanya ang pinsan ay nirerespeto pa rin nito ang kagustuhan niya.
Yesha was savoring her drinks while eating her donuts habang pinagmamasdan niya ang ka-busy-han ng Maynila. Parang ang tagal na ring panahon nung nandito siya. Pero wala pa ring pinagbago ang lugar, puno pa rin ng polusyon at busy pa rin ang mga tao sa paghahabol ng oras para sa pagpasok sa kani-kanilang trabaho. The noise of the busy street, and the horns of the cars and jeeps makes Yesha smile. Walang ganito sa probinsya. Sobrang peaceful ng kanilang rancho, wala kang maririnig na kahit na anong ingay, maliban sa huni ng mga alaga nilang hayop at tunog ng makina na gamit nila pang-saka.