Diary Ng XXX Celebrity
Bumangon, mukhang bagong gising habang kunyari ay gulo-gulo ang buhok niya.
“Cut,” sabi ko nung sa tingin ko ay ayos na ang scene para sa loob ng kubo.
“So, anong next, direk?” biro pa niya sa akin.
“Sa labas naman ako, sa tapat ng kubo, tapos lalabas ka. Dapat, kapag lumabas ka sa pinto, maghihikab ka pa ulit. Para mukhang makatotohanang bagong gising ka palang,” sagot ko sa kaniya habang tinuturo ang pinto ng kubo na kung saan ay doon siya hihinto para gawin ang inuutos ko.