Set-up to Love you
Nang maramdaman kong tulog na siya ay humarap ako sa kaniya at tinitigan siya ng maigi.
Iyang mga buhok mo, mahahaplos ko kaya ’yan sa paraang gusto ko? Iyang mga mata mo, kailan ko kaya mararanasang titigan ng mga ’yan na puno ng pagmamahal? Iyang ilong mo, kailan kaya niyan aamuyin ang leeg ko sa paraang gusto ko at gusto mo? At iyang mga labi mo, matitikman ko pa ba ulit ’yan?
Napaupo ako dahil sa mga naiisip ko. Kung pwede lang kitang angkinin Maxwell, ginawa ko na. Kung pwede lang kitang ipagdamot, pagkakaitan ko silang hawakan ka.
ตอนยอดนิยม