Love Revenge Game
ElenaPanoramaattitude caption for profile tagalogi feel betrayed in tagalogwattpad love story tagalogdisclaimer in tagalog
CHENANIAH XYRAHʼS POV
Nakahinga na lamang ako nang maluwang nang matuklasan na hindi muna itutuloy ang operasyon ngayong araw, sapagkat nagkaroon ng kakulangan sa mga equipments ng hospital, ngunit, nakalulungkot lamang, sapagkat buhay ng bata ang kinakailangan kong iligtas kaya mas maayos sana kung isasagawa ang operasyon sa madaling panahon.
Habang abalang-abala ako sa kaiisip sa posibleng mangyari pagkatapos ng aking operasyon ay biglaang tumunog ang aking selpon at bumungad sa itaas ang pangalan ni Crystal kaya maigi ko itong binasa dahil akoʼy nakararamdam na ito ay mahalaga na kinakailangan kong gampanin bilang tagatanggap ng mensahe.