Naglalagablab na Secrets and Revenge
“Para sa floral arrangements, we can import ten thousand white tulips directly from Holland, gaya ng ni-request ninyo, Sir. At ang aisle... it will be made of pure, tempered mirror glass embedded with white orchids.”
Napalunok ako. Tiningnan ko ang mga designs. Sobrang ganda. Sobrang engrande na parang isang eksena mula sa isang fairytale book.
Pero nang marinig ko ang 'ten thousand white tulips', hindi ko napigilang kurutin ang hita ng lalaking katabi ko.
“Ouch,” mahinang daing ni Darken, pero hindi man lang nawala ang seryoso at malamig na ekspresyon sa mukha niya habang kausap si Miss Valerie.