Contract and Marriage
Hindi ko man nakita lahat, ramdam ko iyon sa bawat mensaheng naiwan, sa bawat tawag na hindi ko nasagot, at sa bawat pagkakataong alam kong naghihintay lang siya kahit walang kasiguraduhan.
Sa isip ko, na-imagine ko na siyang puyat, tahimik lang pero punong-puno ng iniisip, at oo—nangangayat. At hindi na iyon imagination lang ngayon, dahil kitang-kita ko ang kaibahan niya. Noon, bago ako umalis, mas bilugan pa ang pisngi niya, mas may sigla ang aura niya. Ngayon, kahit natutulog siya, bakas pa rin ang pagod na matagal niyang kinimkim.
Hot Chapters