Mistaken Identity
Gandang-ganda siya sa sarili habang naglalakad sa buhanginan.
Nagkasalubong sila ni Mr. J.
“Totoo palang may diyosang nagpapakita dito sa ganitong oras,” sabi ni Mr. J sa kanya.
Nangiti siya. “Rule number 4: Love yourself and take care of your appearance at all times.” Aniya dito, “Alam mo, itong rule number 4 na ito, minsan dito ako sumasablay. Tamad kasi akong mag-ayos eh. Kung ano lang masuot ko, go. Wala akong pakialam. Pero tama din eh. Dapat pala talaga, palagi kang maganda.”