I Am the CEO's Contracted Secretary (SPG)
Kahit si Lora ay hindi na nagsasalita, tahimik lang na nakikinig habang nakayakap sa throw pillow na parang nanonood ng live drama.
“I don’t like not knowing where you are,” dagdag niya, mas mahinahon na ngayon, hindi galit, hindi utos, kundi raw honesty na bihira kong marinig mula sa kanya. “Especially when you’re about to become my wife.”
Napalunok ako.
Hindi ko alam kung bakit, pero sa paraan ng pagsasabi niya ng salitang wife, hindi iyon tunog pagmamay-ari kundi parang isang pangako na hindi niya basta-basta bibitawan.
Hot Chapters