The Cold Billionaire's Secret Wife
Kumibit-balikat lang ito at itinigil ang pagbabasa ng libro.
“Ako na ang magbasa,” sabi niya. Kinuha niya ang libro sa kamay ni Midnight.
Pansin niya na mapungay na ang mga mata ni Midnight. Inaantok na ito at malamang ay pagod.
“Gusto ko ‘yong princess story, Mommy. Mahina lang, ah? Kasi si Daddy parang mumu ang boses, malaki,” ani Samara.
Hindi niya napigil ang kaniyang hagikgik. Sinipat niya si Midnight. Ang hirap talaga nitong mapatawa. Hindi na maipinta ang mukha nito.
ตอนยอดนิยม