Naglalagablab na Secrets and Revenge
“Iiyak mo ngayon. Ibuhos mo lahat ng sakit. Ibuhos mo lahat ng galit. Ibuhos mo lahat ng panghihinayang ngayong gabi. Huwag kang magtira kahit isang patak.”
Kinagat ko ang labi ko, pilit pa ring lumalaban.
“Angel,” tawag niya ulit, mas bumaba ang boses niya, tila isang mainit na yakap. “Bukas, you will be reborn. Bukas, you will be the queen. Pero ngayong gabi... isa ka paring asawang nilapastangan. Hayaan mong masaktan ka para bukas, wala ka nang mararamdaman kundi tapang. Ibuhos mo lahat ngayon.”