My Young Daddy (Tagalog)
Nagbihis siya para hanapin ito sa ibaba ng bahay, naratnan niya ito sa sala ngunit hindi ito mag-isa.
May kausap itong isang magandang babae, maputi, blonde ang buhok, at taglay ang kulay bughaw na mga mata. Halatang may ibang lahi.
Kilala niya ang babaeng iyon. Si Rosa Montenegro, isang sikat na artista. Modelo rin ito at magaling kumanta. Halos lahat na yata ng talento ay sinalo ng babae kaya naman sikat na sikat ito sa industriya.