UNCLE WADE (FORBIDDEN PASSION SERIES)
kwento naman ni lola.
“And then… the rest is history.” saad naman ni lolo.
“Ang ganda po ng love story niyo.” saad ko naman.
“Oo, yan ang madalas nilang sabihin… pero kung hindi ko nakilala si Samantha noon malamang matagal na akong patay dahil sa lungkot. Noong sumampa ako ng barko, I was mending a broken heart, namatay ang unang asawa kong si Divina. Sinubukan ko namang maging matatag kung kaya't inampon ko ang mommy mong si Rosenda. Noong una… masaya naman kami ng mommy mo kasi finally, may anak na akong maaalagaan pero kahit ganon… hindi pa rin ako nakuntento, may kulang pa rin at saka lumalaki na si Rosenda noon, nagdadala na siya, kailangan niya ng gabay ng isang ina pero… wala man lan