When Heart Beats
“Sorry… I have caused you so much pain. Nagpadala ako sa galit. Nabulag sa mga maling akala at naniniwala sa maling nakikita. Naging sarado ang utak ko; nakalimutan ko ang pangako natin sa isa’t-isa.”
Hagulgol pa rin ang sagot ko. Sa iyak ko lang kayang ilabas ang sama ng loob at hinanakit ko sa kanya. Ang lalim kasi ng sugat na ginawa niya sa puso ko. Mahal ko siya—mahal ko pa rin siya. Pero kasi, hindi agad-agad mawawala ang sakit na nararamdaman ko, sa simpleng sorry niya lang.
“Sorry, Aya… sorry… nasaktan kita. Nakita mo ang kademonyohan ko. Kalandian at kalaswaan ko. Nakita mo kung gaano ako ka hayop, sorry…” paulit-ulit niyang sabi.