Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mr. CEO, Marry My Mommy

Mr. CEO, Marry My Mommy

Hindi akalain ni Guia Cordero na pagtataksilan siya ng kanyang boyfriend na si Renz at best friend na si Melinda. Sa sobrang sama ng kanyang loob, naglasing siya. Isang misteryosong lalaki na nangagalangalang 'John' ang nagligtas sa kanya sa isang ma***k. Kinabukasan, natagpuan na lang ang sarili niyang walang saplot kasama si John. Tumakas siya bago pa man ito nagising. Nagbunga ang isang gabing iyon at nalaman ng kanyang magulang dahilan para ipatapon siya sa Australia dahil sa kahihiyan. Limang taon ang nakalipas, muli siyang nagbalik para kitain ang amang may sakit, kasama ang kambal na anak. Unang araw pa lang sa trabaho nagkasalubong na ang kanyang mga anak at ang among si JJ Larsen. "Mr. CEO, Marry My Mommy," sabi ng isa sa kambal.
Romance
1092.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Rewritten Vow

The Billionaire's Rewritten Vow

Pakiramdam ni Kara Baker ay isinumpa ang kanyang buhay matapos masira ang kanyang modelling career at iwan ng lalaking minahal niya. Ngayon, hinihiling ng kanyang amang may sakit na magpakasal siya sa isang lalaking hindi niya pa nakikilala upang iligtas ang kanilang publishing company mula sa tuluyang pagkalugi. Dahil sa sama ng loob, pumunta siya sa isang bar at uminom ng labis. Nagising siyang hubo’t hubad katabi ang isang napakagwapong lalaki sa loob ng isang five-star hotel room sa umaga ng araw na dapat niyang makilala ang kanyang fiancé. Sa dinner ng dalawang pamilya, nagulat siya nang malaman na ang lalaking kanyang naka-one night stand ay siya ring kanyang fiancé. Si Marco De Guzman, ang CEO ng isang kumpanya ng publishing, advertising, at marketing sa US at Pilipinas, ay napilitang sumang-ayon sa hiling ng kanyang mga magulang na siya ay magpakasal sa anak ng kanilang kaibigan. Bagamat inamin niya sa kanyang sarili na nagandahan siya sa babae ng unang makita sa bar at hindi maikakaila ang kanilang pagiging compatible sa kama, hindi pa rin ito ang babaeng mahal niya. Gaano katagal kayang manatili ni Kara sa isang pagsasama na walang pag-ibig, lalo na't ang puso ng kanyang asawa ay pag-aari ng ibang babae?
Romance
1025.6K viewsOngoing
Show Reviews (32)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
hmm..mukhang panahon na pra magtagpo Sila ni Marco at Kara at kambal pa ata SI Raspberry haha pero dpat this time close SI victor sa twins para nmn masaktan ntin SI Marco haha mag over think din Siya haha kung anak ba ni Kara sa iBang lalaki or Kay victot ung kambal naku cgurado nababaliw SI marco
Analyn Bermudez
thank you Ms Lilian sa maagang update !! ang ganda!!! malalagpasan niyo din Marco at Kara pagsubok sa inyo..gagaling din si baby Kyros na yan...naku Marco kailangan mo tlga ligawan si Kara para bumalik ung tiwala niya sa Yo...Kara wag marupok hayaan mo ligawan at suyuin ka ni Marco ..pahirapan mo
Read All Reviews
Hayaang Lumipas ang mga Taon

Hayaang Lumipas ang mga Taon

“Chloe, noong bata ka pa, nag-arrange ng kasal ang pamilya natin para sayo. Ngayong nakakabawi ka na mula sa sakit mo, ayos lang ba sayo na bumalik sa Kingston City at magpakasal?" “Kung ayaw mo pa rin, kakausapin ko ang tatay mo at ikakansela namin ang engagement." Sa madilim na silid, tanging katahimikan lang ang naririnig ni Chloe. Habang iniisip ng tao sa kabilang linya na hindi niya siya makukumbinsi, bigla siyang nagsalita. “Ayos lang sa’kin na bumalik at magpakasal." Ang nanay niya, si Felicia, ay napahinto, malinaw na nagulat siya. “A… Ayos lang sayo?” Kalmado ang tono ni Chloe. "Oo, pero kailangan ko pa ng kainting panahon para asikasuhin ang lahat sa Marina City. Uuwi ako sa loob ng dalawang linggo. Mom, pakiusap simulan niyo na ang paghahanda para sa kasal.” Pagkatapos ng ilan pang salita, ibinaba ni Chloe ang tawag.
Short Story · Romance
964 viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)

The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)

Ipinangako niyang wawasakin siya… pero nauwi sa pagnanasa. *** Umuwing buo ang loob ni Caleigh Villamor—handa siyang ipaglaban ang ama niyang ikinulong dahil sa isang operasyong nauwi sa kamatayan ng isang kilalang pasyente. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbabalik niya sa Pilipinas ang mismong magiging simula ng pagkawasak niya. Si Drako Valderama, isang brutal at makapangyarihang billionaire, ay gutom sa paghihiganti. Sa mata niya, ang pamilya ni Caleigh ang dahilan ng lahat ng sakit niya. At ngayon, ang plano niya ay simple lang: pagbayarin ang pamilya ni Caleigh... durugin ang puso nito hanggang sa magmakaawa. Ngunit sa isang gabing puno ng galit, init, at pagkakamali—may nabasag. Ang puso ni Drako. At habang lalo niyang sinasaktan si Caleigh, mas lalo siyang nalulunod sa sarili niyang pagnanasa. Ito ba'y paghihiganti—o isang nakakalasing na pagnanasa sa babaeng dapat niyang kamuhian?
Romance
9.911.0K viewsOngoing
Read
Add to library
CAUGHT BETWEEN HIS SHEETS (SPG/R18+)

CAUGHT BETWEEN HIS SHEETS (SPG/R18+)

" Between his rules and his sheets, I got lost.” Pagkatapos mabuko ang panloloko ng nobyo’t matalik na kaibigan, winasak ng sakit ang puso ni Alexa. Wala na siyang ibang pinanghawakan kundi ang trabaho—hanggang sa dumating ang bagong CEO. Siya si Damien Alcantara. Matalino. Malamig. Mapanganib. Isang boss na may titig na kayang tunawin ang lahat ng depensa ni Alexa. Pero mas nakakatuliro ang katotohanan—siya ang tiyuhin ng ex niya. Nag-umpisa ito sa lihim na pagnanasa. Nauwi sa kasunduan. Hanggang sa isang gabi, natagpuan ni Alexa ang sarili na… nasa kama ng sariling boss. "Marry me. For protection. Nothing more," sabi ni Damien. Pero paano kung ang kama nilang dalawa ay mas maraming sinasabi kaysa sa kontrata nila? Caught between his sheets, and caught between danger and desire… hanggang kailan niya kayang itanggi ang apoy sa pagitan nila?
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Legal Bride Revenge

The Legal Bride Revenge

"Oo ford! ...ako nga ang iyong asawa na pinabayaan mong mamat*y sa kamay ng ina mo at sa babaeng tinuri kong kapatid buong buhay ko!" walang tigil sa pagpatak ang aking luha habang sinasabi lahat sa kaniya lahat ng sakit na dinanas ko sa kamay ng kaniyang pamilya at sa t*ksil kong kaibigan. "M-maniwala ka sakin hon ...please-e maniwala ka wala akong alam sa sinasabi mo" paliwanag niya habang sinusubukan niya akong yakapin. "Tigilan mo ako sa mga kasinungalingan mo! magmula ngayon, hindi na ako ang dating mahinang si gwen! dahil hindi na ako muli pang magpapa-api sa inyo!" kumalas ako sa pagkakahawak niya sakin saka tumalikod sa kaniya. "Maniwala ka gwen ...ikaw parin ang babaeng pinakamamahal ko-o" tumulo ang aking mga luha habang nakikinig sa kaniyang kasinungalingan. "M-mahal? ...kung mahal mo ako ford sa akin ka naniwala! sa lahat ng tao dapat ikaw yung unang kumampi sa akin! alam mo ba yung sakit na dinanas ko?! ...ford hindi mo alam kung anong hirap at pasakit naranasan ko sa inyo!" Wala paring hinto ang pagtulo ng aking mga luha habang isa isa kong sinasabi sa kaniya lahat ng nangyari mula noong nasa pamamahay nila ako. "Maniwala ka ...wala akong alam sa nangyari, patawarin mo ako kung, kung hindi ako nakinig sayo mga panahong yun" while crying saka nakaluhod papalapit kay gwen. "T-tama na ford! ...tama na! ...hinding hindi ko kayo mapatatawad lalo ka na!" muli akong bumitaw sa kaniya saka nagpatuloy sa paglalakad habang ang agos ng ulan tuloy tuloy padin. "You're the worse man i've ever met!" in her mind Muling nagsipag patakan ang noo'y nais kong pigilan na mga luha ngunit kusa itong lumalabas at ayaw paawat.
Urban
2.1K viewsCompleted
Read
Add to library
CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

**MATURE CONTENT** When a Gay Meets His Match: A Badass Lady Bodyguard with a pretty cheeky brain. Si Fourth Misuaris ay isang mayamang A-list actor—rebellious, palaban, at sanay sa buhay na siya ang nasusunod. Ngunit magbabago ang lahat nang dumating si Caramel Morgan, isang dating secret agent na ini-hire ng daddy niya na maging bodyguard at office secretary niya. Hindi alam ni Fourth, matagal na silang may koneksyon. Limang taon na ang nakalipas mula nang maganap ang isang gabi ng pagkakamali sa pagitan nila. Isang gabi na nagbunga ng isang lihim na anak. Habang pilit tinatago ni Caramel ang nakaraan, hindi niya maitanggi ang muling pag-usbong ng damdamin sa pagitan nila. Ngunit kasabay ng paglapit ng mga puso nila ay ang lalong paglala ng mga komplikasyon: arranged marriage, mga lihim, at mga planong hindi natuloy. Pagkalipas ng ilang taon ng pagkakahiwalay at sakit, muling bumalik si Fourth, handang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit puno pa rin ng sugat ang kanilang nakaraan. Isang dramatic rescue, isang gabi ng katotohanan, at isang muling pagkakataon ang magtutulak sa kanila sa desisyong piliin ang isa’t isa hindi dahil kailangan, kundi dahil mahal nila ang isa’t isa nang totoo. Isang kwento ng pagmamahalan, pamilya, at tapang kung saan ang tunay na pag-ibig ang magtatapos sa lahat ng sakit.
Romance
107.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10788 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE

THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE

Si Elijah Juarez, 25 years old, ipinanganak sa kahirapan ngunit itinadhana para sa marangyang buhay. Pinakasalan niya ang lalaking pinapangarap ng lahat — si Lejandro Ferman, anak ng isang bilyonaryo at tagapagmana ng pinakamalawak na hacienda sa bayan ng Velegas. Isang kasal. Isang pangakong walang hangganan. Isang buhay na tila perpekto... Pero paano kung ang lahat ng ‘perpekto’ ay bigla na lang maglaho? Ginawa kang alipin. Utusan. Alila. Pinagmalupitan. Tinanggalan ng dignidad. At ang lalaking pinakasalan mo — si Lejandro — bumalik sa Pilipinas… Ngunit hindi para iligtas ka. Kundi para ituring kang hindi asawa, kundi isang hamak na katulong sa kanilang hacienda. "Saan hahantong ang pagiging asawa ng isang bilyonaryo kung hindi ka niya kinikilala bilang asawa?" Aalis ka na lang ba? O haharapin mo ang mapait na katotohanan? Paano kung isang araw... Bumalik ang alaala ni Lejandro, ngunit ibang babae na ang nasa kanyang puso? Dahil sa mapanlinlang na si Furtiza, ang tunay mong pagkatao ay ninakaw… At ikaw na si Elijah, ay ipinakilalang katulong — sa iyong tunay na asawa.  Isang kwento ng pagnanasa, pagkakalimot, at pagtataksil. Handa ka bang maramdaman ang sakit ng pagmamahal na binura ng panahon?
Romance
9.622.8K viewsCompleted
Read
Add to library
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1018.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status