Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
“Laging tulala, parang takot, lalo na tuwing dumarating si Mr. Scott. Isang beses, nakita ko siyang umiiyak sa CR, nanginginig siya habang hawak ang cellphone. Tinanong ko siya kung May problema, pero hindi siya nagsalita. Doon pa lang, alam naming may mali.”
Ang sumunod naman na testigo ay si Liza Manapat, ang dating secretary ni Henry Scott.
“Anim na taon akong sekretarya ni Mr. Scott,” panimula ni Liza. “Marami akong pinirmahang confidentiality agreements, pero ngayon ako magsasalita. Ilang beses kong na-set ang private meetings niya kay Ms.