Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
No Love Between Us (Filipino)

No Love Between Us (Filipino)

Sa edad na 32 ay hindi pa naranasan ni Andrea ang magkaroon ng boyfriend. In short, siya ay NBSB o No Boyfriend Since Birth. Hindi naman siya kapangitan ngunit napakailap ng pagkatataon sa kanya. May nagawa ba siyang malaking kasalanan sa kanyang past life? Sa edad niya ay hindi na siya umaasa pa na may lalaki na magmamahal sa kanya ngunit gusto niya na magkaroon ng kahit isang anak man lang. Puwede naman na magkaroon ng anak na walang asawa kaya naisip niya maghanap ng sperm donor. Hindi artificial insemination ang gagawin kundi natural method. Sa kalagitnaan ng paghahanap niya ay nakilala niya si Martin na isang guwapong bilyonaryo. Unang pumasok sa isip niya na perfect match ang binata para sa kanya ngunit ang problema lang ay hindi siya nito gusto. Mapapayag kaya ito ni Andrea sa nais niyang mangyari? Paano kung hindi? Itutuloy pa ba niya ang paghahanap ng sperm donor o ititigil na lang at tatanggapin na lang na kailanma'y hindi siya magkaroon ng asawa't anak?
Romance
13.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionare Behind Her Forgotten Life

The Billionare Behind Her Forgotten Life

Nagising si Maxine sa ospital sa Maynila na walang matandaan, hindi maalala ang sarili niyang pangalan o ang nangyari bago siya na-ospital. Hinarap niya ang mundong hindi niya kilala, kasama si Anthony, isang lalaking mayabang na tila may alam sa kanyang nakaraan, at si Amanda, isang mahinahong babae na may lihim na intensyon at protektado ni Anthony. Sa gitna ng kanyang pakikipaglaban para maibalik ang alaala, natutuklasan ni Maxine ang mga piraso ng relasyon niya, lalo na kay Mikael, isang misteryosong lalaki na posibleng kasintahan niya.. Habang hinaharap ang galit at pagkukulang ng pamilya, at mga suliraning pinansyal, nakita siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Claudine at iwinaksi ang kanyang nakaraan. Sa gitna ng nakalimutang nakaraan, komplikadong pamilya, pagmamahal at pagtataksil, kailangang piliin ni Maxine kung haharapin ba niya ang nakalimutang buhay o sisimulang muli ang bagong yugto ng kanyang buhay.
Romance
102 viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Rebirth of Love

The Rebirth of Love

Eyah
"Mawala man ako, pangako babalikan kita. Hahanapin at hahanapin kita, Ruan. Wala na akong ibang mamahalin kundi ikaw lang. Sa buhay man na 'to o sa walang-hanggan…”
Romance
10970 viewsCompleted
Read
Add to library
Kiss Of The Wind Book 1

Kiss Of The Wind Book 1

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?
Romance
429 viewsCompleted
Read
Add to library
A Love Affair

A Love Affair

CAASIISAAC
Cheating, a one night mistake that became a love affair. Isang pagkakamali lamang ngunit magbabago ang kanilang mundo. Pananagutan nga ba nila ang pagkakamali, o kakalimutan na lamang na parang walang nangyari?
Romance
806 viewsOngoing
Read
Add to library
His Rebel Wife

His Rebel Wife

Inbluence
Sa kagustuhang maipagamot ang kaniyang ina at matustusan ang pag-aaral ng mga kapatid, susuungin ni Chivalry Sandimar ang lahat ng maaaring pasukin; marumin man, mahirap o delikado—na siya ring naging dahilan upang makilala niya si Gavin Ladeo Ambrosia. Inalok siya nito ng isang kasunduan: ang mabigyan ito ng anak. Ngunit taliwas sa inaasahan, hindi lang isa ang nabuo kundi dalawa. Paano niya ipauubaya ang kaniyang mga anak sa lalaking nagkaroon na ng malaking parte sa buhay niya? Lalo pa't hindi lingid sa kaniyang kaalaman na hindi na purong trabaho ang namamagitan sa kanila... 'pagkat kusa siyang nagpaubaya nang gabing iyon dahil sa lihim na pagmamahal niya para rito. Makakaya ba niyang panindigan ang kontrata o tatanggapin niya na lang ang karampatang parusa?
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
My Professor Loves Me

My Professor Loves Me

coffeesu
Maxine Ynstuk, a heir. Mahal na mahal niya ang kaniyang nobyo at gusto niyang makasama ito habang buhay. Pero may isang problema. Tutol ang mga magulang ni Maxine sa kanilang dalawa dahil sa hindi malamang rason. Ibubuhos na lang ba ni Maxine ang lahat ng kaniyang oras sa pag-aaral o ipaglalaban niya ang pag-ibig na hindi pinahintulutan? Habang nag-aaral si Maxine ay maraming magmamahal sa kaniya. Ano kaya ang mangyayari kay Maxine kung mawalan man siya ng mahal niya sa buhay? Makakayanan kaya ni Maxine ang hamon sa kaniya ng buhay o susuko na lang siya? May lilitaw na isang tao na tiyak ikagugulat ni Maxine, ano kaya ang pakay nito? Makakapagdesisyon kaya si Maxine ng tama? At the end Maxine had to decide and choose wisely.
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)

Aurora and The Heart of Magic (Tagalog)

Translated by BELLE CASSY Magsisimulang bumaligtad ang mundo ni Aurora nang makulong siya sa gitna ng isang hindi naman niya ninais na pagbubuntis at ang makipagsapalaran para lang sa‘Heart of Magic.’ Mga , werewolves at witches; lahat ay tumataya para lamang sa isang bitag, ang tuksuhin at gamitin si Aurora upang makuha ang kakaisang bato. Paano mapoprotektahan ni Aurora ang kanyang sarili at ang kan’yang dinadala mula sa mga nilalang na nagugutom lamang sa kapangyarihan? Kanino siya papanig: sa mga makapangyarihang , mabangis na werewolves, o sa mga tuso na mangkukulam o pipiliin niya bang maging mapag-isa?
Fantasy
8.5K viewsCompleted
Read
Add to library
MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

MR. ALCAIN THE GREAT WOMANIZER

Angel
Dalawang taong pilit na tinatago ang tunay na nararamdaman, hangang sa di inaasahang pangyayari muling pinagtagpo ang kanilang mga landas. Ngayon paano ipapaliwanag ni Dian kay Fred na nagkaroon sila ng anak matapos ang gabing pinagsaluhan nila anim na taon ang nakalipas.Ano ang gagawin ni Fred para matanggap siya ng kaniyang anak na hindi siya tanggap biglang tatay nito at ano ang gagawin niya kung isang araw dahil sa kagaguhan at pambabae niya ay may bigla nalamang lalapit sa kaniya upang alukin siya na pakasalan ito sapagkat buntis ito at siya ang ama. Paano nila ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan gayong magkakaanak na naman si Fred sa ibang babae. Matatangap ba ni Dian na maging pangalawa na lamang sila ng kaniyang anak sa buhay ni Fred o lalayo siya para hanapin ang lalaking para sa kaniya, at paano kung muli na naman pagtagpuin ng tadhana ang kanilang mga landas, paano kung muli na namang nabuhay ang kanilang nararamdaman para sa isat isa. Magkakaroon na ba sila ng happy ending o may sisira na naman sa happy ending na hinahangad nila?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status