MY SECRET BILLIONAIRE BABY DADDY
Pagkababa niya ng tawag, kinuha niya ang susi ng sasakyan at inayos ang suot niyang amerikana.
Napatingin sa kanya si Ryan. “You're leaving?”
“Kai is sick. I need to go home.”
“Ha? Dahil lang nagtatae ang anak mo, uuwi ka na agad?”
Tiningnan siya ni Neo nang malamig.
“What's so funny? He's my son.”
Agad na nagkunwaring seryoso si Ryan, pero hindi pa rin niya napigilan ang mapangiti.
“Wala naman. Nakakatuwa lang. Akala ko ba wala kang pakialam sa kahit ano? Pero ngayon, isang tawag lang tungkol sa anak mo, nagmamadali ka nang umuwi.”