Love Revenge Game
Dinuro-duro ko ang aking dibdib na kung saan nariyan ang aking puso na matagal nang umaapaw ang dugo.
“Ang lakas naman nang tama mo, crush,” pagbibiro niya kaya napatawa ako nang banayad. “Kung ganoʼn, maaari ko bang lagyan ng betadine at band-aid ang nagdurugo mong puso?” pang-aaliw niya sa akin. “Maari ko bang pagalingin ang puso ko nang aking pagmamahal? Sa madaling sabi, bagamaʼt hindi ako cardiologist na nagpapahilom sa sakit ng puso ng mga tao, maaari bang maging boyfriend mo ako?” karagdagan niyang pagpapahayag nang may pagkaseryuso sa kaniyang mga mata.